^

Pang Movies

Kung siya lang si Santa Claus: Marian, tatlong araw na bakasyon ang gustong ibigay kay Dingdong

Jun Nardo - Pang-masa

Kung si Santa Claus ay si Marian Rivera at hindi siya girlfriend ni Dingdong Dantes, ang magkaroon ng tatlong araw na bakasyon sa ticket na kanyang ibibigay ang gagawin niya.

“Kasi araw-araw rin ang trabaho niya. Kawawa rin ’yon. Araw-araw! “ diin ni Marian nang aming makausap sa taping ng Temptation of Wife ng GMA.

Saang lugar niya gustong pagbakasyunin ang aktor?

“Nakalagay sa ticket niya, anywhere,” sagot niya.

Anywhere in the world?

“The world na lang para mas masaya! Hahaha!” katuwiran ng Primetime Queen.

Pagdating naman sa kanya, ang isang araw na makapag-relax ang gusto niyang mangyari upang siya ay makapagpa-facial, masahe, dentist, at iba pang pangpa-kiyeme.

Next year kasi tatlong pelikula ang kanyang gagawin kung saan isa roon ay magiging dahilan kung bakit niya papasukin ang film production. This year, ang feedback sa Temptation of Wife ang aminado niyang pinakamagandang nangyari sa kanya.

Rocco ayaw papiga sa nangyari sa relasyon kay Sheena

Hindi raw pinagsabihan si Rocco Nacino ng GMA Artist Cen­ter na hiwalayan si Sheen Halili na matagal din niyang ka-exclusively dating. Kung naging visible sila noon ng young actress sa mga kainan sa Tomas Morato, Quezon City at laging pinagpipistahan sa Twitter, ngayon ay blanko na ang tao sa totoong estado ngayon ng kanilang relasyon.

Itinanggi ni Rocco na naging malungkot siya sa naging ending ng relasyon nila ni Sheena.

“Hindi. No, no. Never was. Okay naman ako. Enjoying life. Work, work, work! Hahaha!” rason ni Rocco sa thanksgiving dinner na ibi­nigay ng GMA Network sa success ng After Prime Block na nasa cast ng Yesterday’s Bride ang aktor bilang kapareha ni Lovi Poe.

So, wala na siyang constant na ka-date ngayon?

“Wala na akong gano’n. Hindi na ako nakakapag-date dahil punumpuno ng trabaho ang schedules ko. Before Christmas, magtatrabaho pa rin ako. Actually, hindi ko pa nararamdaman ang spirit ng Christmas,” katuwiran ng young actor.

Feeling good siya ngayon. Pero walang kinalaman ang natsitsismis sa kanyang si Lovi sa masarap niyang damdamin.

“Not just because of her. Because of work and I have time for myself lalo na sa gym. May ginawa akong programa na package. So ’yun ang love ko ngayon,” katuwiran ng young actor.

Paano na ang puso niya? Break na ba sila talaga ni Sheena?

“Puso ko? Ah, there’s nothing really between us naman eh. We go out pero…Talaga? Sure!!! Wala muna. We haven’t been talking much pero okay kami ngayon,” tugon ni Rocco na ayaw papiga sa naganap sa kanila ni Sheena.

vuukle comment

AFTER PRIME BLOCK

ARTIST CEN

BEFORE CHRISTMAS

DINGDONG DANTES

HAHAHA

LOVI POE

ROCCO

SHEENA

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with