^

Pang Movies

Blacklisted ng isang taon Christian nakakahada na uli sa Indonesia

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Totoo ang tsismis na hindi na blacklisted sa Indonesia si Christian Bautista dahil lumabas na ang mga litrato ng guesting niya sa Eat Bulaga Indonesia noong Lunes.

Puwede na uling tumanggap si Christian ng mga raket sa Indonesia at siguradong magiging maingat na siya para hindi magkaroon ng repeat ang kanyang sad experience. Sad experience daw o!
Almost one year na hindi nakabalik si Christian sa Indonesia dahil sa bintang na walang permiso ang show niya roon noong January 2012.
Obvious na nalutas na ang problema ng singer dahil nakabalik na siya sa Indonesia. Asahan natin na masusundan pa ang mga show ni Christian dahil sikat na sikat pa rin siya sa Indonesia, kesehodang nagkaroon siya ng problema sa Immigration. Feel na feel ni Christian ang pagmamahal ng mga Indonesian nang mag-guest siya sa Eat Bulaga Indonesia.

Gladys naghihintay ng kapalit ng Nay...

Nag-usap na kami ni Gladys Reyes tungkol sa naging kapalaran ng Nay-1-1, ang morning show nila ni Jaya sa GMA 7 na malapit nang mag-goodbye sa ere.

Ikinalungkot ni Gladys ang nangyari dahil napamahal na sa kanya ang production staff at si Jaya, kahit sandali lamang ang kanilang pagsasama.

Kahit nabawasan ang kanyang regular TV show, hectic pa rin ang schedule ni Gladys dahil sa kanyang trabaho sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
at mga programa niya sa ibang TV station. Naniniwala si Gladys na kapag may nawala, may bagong show na darating sa kanya.

Gloria gulat na gulat sa kanyang birthday

Invited ako noong Linggo sa 79th birthday dinner para kay Gloria Romero pero hindi ako nakarating dahil hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo.

Sorpresa ang birthday dinner kaya nagdala ng mga pagkain ang mga bisita. Gulat na gulat si Tita Glo nang dumating siya sa Vera-Perez Gardens dahil bumulaga sa kanya ang lahat ng mga tao na may kinalaman sa buhay niya.

Seventy-nine years old na ang aktres pero ang sigla-sigla pa rin niya. Mahal na mahal ni Tita Glo ang kanyang acting profession kaya marami ang naniniwala na hindi matutuloy ang plano niya na pagreretiro sa showbiz kapag tumuntong siya sa edad na 80 sa susunod na taon.

 

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

DAHIL

EAT BULAGA INDONESIA

GLADYS

GLADYS REYES

GLORIA ROMERO

INDONESIA

JAYA

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with