Lucy walang tiwala sa mga surve kahit nangunguna si Goma!
MANILA, Philippines - Last Dec. 11 ay nag-celebrate ang representative ng fourth district ng Leyte na si Lucy Torres-Gomez ng kanyang 38th birthday. Wala siyang naging bonggang selebrasyon at itinuring niyang regular working day ang kanyang kaarawan this year dahil sa sobrang busy niya sa kanyang pagiging pulitiko at commitments sa showbiz. Wala naman siyang hinihiling sa espesyal na araw na iyon kundi pasasalamat sa lahat ng biyayang natatamo.
“It’s a working day for me. It’s like a regular day for me. Wala akong wish eh kundi more pasasalamat talaga for all the blessings,” sambit ng kongresistang napakaganda talaga.
Nasabi ng kanyang asawa na si Richard Gomez na gusto na talaga nilang mag-asawa na sundan ang panganay na si Julianna pero dahil parehong tatakbo ang mag-asawa sa 2013 elections—si Lucy for reelection at si Richard naman for mayor ng Ormoc—baka daw pagkatapos pa ng election nila ito ma-workout.
“Anytime naman puwede, kung kailan ito ipagkakaloob ni Lord ay handa kaming maghintay mag-asawa,” pahayag pa ni Lucy.
Maging ang napaka-supportive niyang asawang si Richard ay patuloy na tagumpay naman ang wish para sa asawang kongresista.
All out daw ang suporta ni Richard sa trabaho ng kanyang asawa bilang lawmaker.
With regards naman sa political plans nilang mag-asawa, ngayon pa lamang ay marami na ang humuhula sa double victory nila sa Ormoc sa darating na eleksiyon. Pareho kasi silang malakas sa kani-kanilang posisyong tinatakbuhan.
Pero ayaw nina Richard at Lucy na maging kampante sa bagay na ito kaya todo-todo ang kanilang gagawing pagkampanya.
“’Pag sa survey kasi sobrang lamang ni Richard. Ever since hindi naman kami naging kampante sa trabaho. So, we work na walang survey na binabasehan, just running with a platform of performance,” saad pa ni Lucy.
“Hindi kami puwedeng maging kumpiyansa.”
Nasabi ni Lucy dati na hindi talaga para sa kanya ang pagiging pulitiko pero ngayon ay itinuturing niya itong isang malaking responsibilidad na dapat gampanan.
“More like I respect it… and more honored. It’s a stage of my life na natawag ako sa ganitong responsibilidad, at inaalagaan ko ’yun at siniseryoso ko,” sabi ng congresswoman.
- Latest