^

Pang Movies

AiAi at Sarah magpapatalbugan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kakabugin ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas ang minsang naging anak niya sa isang ABS-CBN teleserye, ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa kanyang Sarah G: Live!, pero makikipagsabayan siya sa nanay niya. 

At dahil malapit na ang Pasko, may Christmas party sa show si Sarah para sa kanyang young scholars sa Sarah Loves You segment at tuloy pa rin ang pagbebenta ng mga ginawa niyang parol sa Sige Go! Guest co-hosts ni Sarah sina Robi Domingo at Zanjoe Marudo with co-host Luis Manzano at Gab Valenciano.  Marami pang guests si Sarah at 8:15 p.m.

10 teens huhusgahan na!

Huhusgahan na mamayang 3:00 p.m. after ng Party Pilipinas, kasabay ng simula ng Simbang Gabi ng mga Pilipino, ang 10 new teens ng GMA 7 sa new youth-oriented show nilang Teen Gen na inspired ng unang creation ni Direk Mark Reyes 18 years ago, ang T.G.I.S. (Thank God It’s Saturday), na nagpasikat sa tambalang Angelu de Leon at Bobby Andrews bilang sina Peachy at Wacks, respectively. 

Kasama pa rin sa Teen Gen sina Peachy at Wacks pero mommy at daddy na sila sa kani-kanilang mga anak. Sampung bagong teens na bubuo sa Teen Gen.

Kasama si Thea Tolentino (female winner ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break) ay si Angge na mahilig sa everything Korean.  Pason din sina Jeric Gonzales (male winner ng Protégé),  Gianna Revilla (anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado), si Gab de Leon (anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong), si Sunyee Maluche. 

Kasama rin sina Juancho Trivino, Dianne Bernadette Hernandez, Enrico Abel Estanislao  at si Seth Patrick Isay.

 

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

BOBBY ANDREWS

BONG REVILLA

DIANNE BERNADETTE HERNANDEZ

DIREK MARK REYES

ENRICO ABEL ESTANISLAO

GAB VALENCIANO

GIANNA REVILLA

KASAMA

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with