Kaya babalikan ang nilayasang network young actor ubos na ang pasensiya sa usad pagong na takbo ng career
MANILA, Philippines - Nawawalan na raw ng pasensiya ang young actor sa takbo ng kanyang career. Mula sa unang network na nakadiskubre sa kanya, lumipat siya sa kalabang istasyon sa pag-aakalang bibigyang-pansin ang kaguwapuhan at kakayahan niya sa pag-arte.
Nabiyayaan naman ang young actor ng mga projects pero ‘yung magmamarka sa publiko ang hitsura at talento niya ay hindi nagkaroon ng katuparan. Naging leading man siya sa huling drama series pero mas pinagtuunan ng network ang mas matangkad at mestisuhing young actor.
Sa ngayon ay meron namang on going series ang young actor. Pero balik sa pagiging support ang kanyang role. Muli na naman kasing naunsiyami ang pagiging leading man status niya, huh!
Kaya naman sa pagtatapos ng kontrata ng young actor, napipinto muli ang pagbabalik niya sa dating network na nilayasan!
Apple D’ app, kinontrata sa El Presidente
Inabot nang halos tatlong oras ang running time ng El Presidente na entry ni Gov. ER Ejercito. Wala raw kasing tapon ang mga eksenang kinunan kaya hindi ma-compromise ng mga producer na iksian ang buong pelikula para maging dalawang oras.
“Masisira ang essence pag iniksian. Mas naniniwala kasi kami sa quality ng film. Eh, kapag pinanood mo ang movie, hindi ka maiinip dahil bawat eksena ay may katuturan.
“Kaya nga endorsed kami ng DepEd at CHED dahil sobrang tino ng movie. Dito natin matutunghayan ang mga bagay-bagay sa history books natin. Kaya kung nagustuhan nila ang Asiong Salonga, ten times bigger and better itong El Presidente!” pagmamalaki ng bidang si Gov. Ejercito.
Upang lalong makanakaw-pansin ang kanyang filmfest entry, kinumisyon ng gobernador at Scenema Concepts producer Mylene Enriquez ang lead singer ng Black Eyed Peas na si Apple D’ App upang kumanta ng theme song na winner na winner ang dating, huh!
Sam Pinto walang lakas ng loob magbuyangyang
Kaibigan ni Sam Pinto ang pinakabagong Sex Goddess na si Yam Concepcion. Seksi man ang image ni Sam, pero hindi niya kayang sikmurain ang pagpapakita ni Yam ng buo niyang kahubdan sa launching movie niyang Rigodon, huh!
“Super close kami nu’n! Hindi naman ako nai-insecure sa kanya. Not at all! Natakot nga ako for her! Ha! ha! Ha! For doing those scenes! Nu’ng pinag-uusapan namin ‘yun, ‘Seryoso ka dito?’ Coz different level talaga!
“Ako, hindi ko kayang gawin ‘yon! Hindi ko talaga kayang magpakita! Wala akong ganong kalakas ng loob! Ha! Ha! Ha! So, at the same time, I’m so happy and proud of her that she did that,” pahayag ni Sam na muling makakaulayaw si Senador Bong Revilla, Jr, na Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.”
- Latest