^

Pang Movies

Tulong Kapatid, nakalikom agad ng higit P100M sa MVP Telethon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng anim na oras, nakalikom ng higit sa PhP100M ang Tulong Kapatid para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo sa pamamagitan ng isang telethon noong Lunes.

Ang Tulong Kapatid ay ang pagsasama ng lahat ng mga foundations at corporate social responsibi­lity (CSR) arms ng mga kasapi sa MVP Group of Companies na kinabibilangan ng TV5, PLDT, Philex Mining Corporation, at marami pang iba. Ginanap ang Telethon sa TV5 Novaliches at Broadway Studios at napanood ito nang live sa Kapatid Network at AksyonTV at napakinggan sa Radyo Singko 92.3 NewsFM.

Kahit isang araw lang nag­handa ang mga kasama sa te­lethon, matagumpay pa rin itong naipalabas.

Pormal itong binuksan ng MVP Group chairman Manuel V. Pangilinan na kahit na nasa Seoul ay nagawa pa ring makapag-organisa ng initiative na ito. Maging si Pangulong Benigno S. Aquino III ay nagpadala ng mensaheng pumupuri sa pagtulong na ginagawa ng MVP Group of Companies sa mga nasalanta ni Pablo.

Ilang Kapatid stars, news personalities at sports figures ang mismong tumanggap ng mga tawag mula sa mga indibidwal at organisasyong kumontak sa mga hotlines noong Lunes. Nanguna naman si NEWS5 chief Luchi Cruz Valdes sa pag-uulat sa mga pinakahuling balitang may kinalaman sa search, rescue, relief at rehabilitation efforts kasama sina Cheryl Cosim, Raffy Tulfo, at Erwin Tulfo.

Bukas pa rin ang telephone lines ng Tulong Kapatid para sa cash pledges. Maaring tumawag at magtanong sa: 689-555, 671-5555 at 936-5555. Maari ding mag-text ang mga SMART, Talk N’ Text and Sun Cellular subscribers ng TULONG <amount> sa 4483.

Para naman sa cash donations, ito ang mga bank accounts ng Alagang Kapatid Foundation na kailangang tandaan: BDO savings account number 00-5310-410164 with swift code BNORPHMM; CITI Bank savings account number 0757138018 with swift code CITIPHMX; at BPI savings account number 1443-05333-2 with swift code BOPIPHMM. Lahat ng accounts ay nasa ilalim ng Alagang Kapatid Foundation, Inc.

DOLPHY: SONG AND DANCE MAN MAPAPANOOD sa Jeepney TV

Ipapalabas na ang kauna-unahang special na iprinodyus ng Jeepney TV : Dolphy: Song and Dance Man ngayong Linggo (December 16), na magpapakita na si Dolphy ay hindi lamang isang komedyante kundi isang ‘ultimate entertainer’.

Makikita rito ang marami pang ibang talento ni Dolphy – ang galing sa pag-awit at husay sa pagsasayaw. Sa pagpapakita ng ilang mga nakaraang perfor­mance niya sa tv ay masasabing tunay nga siyang magaling sa maraming aspeto.

Panoorin siyang ibirit ang makapigil-hiningang This is the Moment, subuking higitan sina Fred Astaire at Grace Kelly sa isang tap dance number kasama si Vilma Santos, sayawin ang isang nakakaaliw na tango routine kasama si Ai-ai de las Alas at makipagsiklaban ng sayawan at kantahan kasama si Gary Valenciano.

Ang host ng special ay ang kanyang anak na si Epi Quizon na pagsasamasamahin ang mga hindi malilimutang musical moments ng kanyang ama sa tv at magbabahagi rin ng sariling mga saloobin tungkol sa pagmamahal ng ama sa kanyang audience.

Ang Dolphy: Song and Dance Man ay isang original Jeepney TV production na ipapalabas na ngayong Linggo (December 16) 9:00 p.m. bilang Let’s Go, Linggo! special Holiday offering.

Ang Jeepney TV ay available sa SkyCable Channel 69. Ang Jeepney TV ay isang archive cable channel na nagpapalabas ng mga programang malapit sa puso ng mga Pilipino.

Perya Queen ilalahad ang Tunay Na Buhay

Tampok ngayong Sabado sa Tunay na Buhay ang kuwento ni Susana Borja: lumaking walang mga kamay at buong buhay ay inaasa na raw niya ang lahat sa paggamit ng kanyang mga paa. Ipinaglihi raw kasi siya ng kaniyang nanay sa mannequin. At dahil sa kanyang ‘di normal na anyo ay naranasan na ni Susana ang pangungutya mula sa ibang mga tao, pati na rin mula sa mga sariling kapatid. â€¨â€¨

Edad 16 siya noon nang mag-desisyon na umalis sa poder ng kanyang ina at sumali sa mga nagtatanghal sa perya upang kumita para sa sarili. Bagama’t walang mga kamay, nagagawa pa rin niyang kumain, magsulat, at maglaba sa pama­magitan ng kanyang mga paa. â€¨â€¨Sa perya na rin niya nakilala ang kanyang una at ikalawang asawa, at siya ay biniyayaan ng pitong anak. Halos naging ikalawang tahanan na nga raw niya ang perya, ngunit hanggang kailan siya mananatili rito? Hanggang saan siya kayang dalhin ng kanyang mga paa?

Saksihan ang kanyang Tunay na Buhay ngayong December 15, 10:20 ng gabi pagkatapos ng Wattajob!, sa GMA-7.

 

ALAGANG KAPATID FOUNDATION

ANG JEEPNEY

DOLPHY

GROUP OF COMPANIES

ISANG

KANYANG

KAPATID

LINGGO

SONG AND DANCE MAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with