^

Pang Movies

NAKAKALUSOT sa magulang dahil madaling araw Young Actress kabastusan ang ginagawa pagkakatapos magsimbang-gabi!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Simbang gabi na sa Linggo, Dec. 16. Naalala ko na naman ang isang dating young actress na walang palya sa nine-day novena tuwing madaling araw. Lagi siyang sinusundo ng kanyang young actor boyfriend.

Kaya lang, kahit halos lahat ng mga nagsimba, nakauwi na sa kanilang mga tahanan, natatagalan pa bago bumalik ng bahay ang aktres.

Nandoon siya sa likod ng van ng kanyang partner. Tuloy ang kanilang laplapan at kitang-kita ng mga nagdaraang tao, kahit walang ilaw sa loob ng sasakyan. Bigla na lang nawawala ang kanilang mga ulo sa natatanaw na sasakyan. Siguro, nakahiga na sila sa van at iba na ang pinagkakaabalahan!

Pati naman ang ibang pareha, hindi lang artista, ginagawa pang dahilan ang pagsisimbang gabi, upang makatakas sa kanilang mga magulang at gawin ang hindi nararapat.

MAYOR HERBERT MADALING NAGAMAY SI DIREK CHITO

Kahit nagbalik pelikula si Quezon City Mayor Herbert Bautista, buong husay pa rin niyang nagagawa ang kanyang katungkulan bilang lingkod-ba­yan. Inayos niya kasing mabuti ang kanyang shooting schedule sa Shake, Rattle and Roll IV: The Invasion, kaya’t hindi nakasagabal sa kanyang mga opisyal na tungkulin.

First time niyang nakatrabaho si Direktor Chito Roño sa episode na Pamana ng SRR IV, pero gamay na nila ang isa’t isa. Akmang-akma si Herbert sa papel na tagapagmana ng isang tiyuhing mahilig lumikha ng mga nakakatakot na bagay.

Katambal niya si Janice de Belen, na pareho ni Mayor, naging bida rin sa mga naunang edition ng very successful horror franchise ng Regal Films. Sa Pamana episode, magsisimula ang lagim sa pagkabuhay ng mga ng horrific creatures na papatay sa kanila.

Ang dalawa pang episodes ng SSR IV trilogy ay Unwanted na bida sina Vhong Navarro at Lovi Poe at Lost Command na tampok naman sina Dennis Trillo, Martin Escudero, at Paulo Avelino. Lahat ng tatlong episodes, ang master of horror films na si Chito Rono ang director.

Lahat ng tatlong bahagi ng SSR IV, ginastahan na nila bawat isa na parang isang buong pelikula. Hindi maaaring pigilan ni Mother Lily Monteverde na gumasta nang todo si Direk Chito upang pagandahin ang bawat episode. Kaya super bonus ang The Invasion sa mga moviegoers. Tatlong pelikula ang katumbas ng isang tiket na bibilhin ninyo sa takilya. Saan pa ba kayo pupunta?

Labis ang paghanga ni Mother Lily kay QC Mayor Herbert Baustista as a public servant at bilang isang artista. Sinubaybayan ng Regal matriarch ang dalawang career  ni Herbert at nakita niya kung paano buong-buong ibinigay ng actor/politician ang complete dedication sa magkaibang larangan.

Bata pa si Herbert nang pasukin ang pulitika. Nahalal siyang Chairman ng Kabataang Barangay sa kanyang lugar sa lungsod, hanggang maging presidente siya ng buong Kabataang Barangay sa Quezon City.

Tatlong terms siyang naging vice mayor, bago nahalal na mayor ng Q.C. sa kanyang darating na ikalawang term, with Joy Belmote as vice mayor, marami pa silang magagandang plano, pati na sa entertainment upang higit na maging angkop na tawaging city of stars ang Quezon City.

Hanggang ngayon nagpapakadalubhasa pa si Herbert sa pagiging lingkod bayan. Kumukuha siya ng doctorate degree in public governance, kung saan siya natapos ng masteral degree. Kumuha siya ng law sa New Era College at nagtapos ng philosophy sa San Beda College.

CONG. SONNY KAILANGAN SI JULIA

Ang young and beautiful wife ni Cong. Sonny Angara ng Aurora province na si Tootsy ay isang junior executive sa ABS-CBN. Kaya marahil na­ging madali sa senatoriable na kunin si Julia Montes at kanyang lola, bilang endorser.

Kailangan ni Rep. Sonny Angara ang isang se­nior citizen tulad ng lola ni Julia, upang tumulong sa kanya dahil siya ang author ng Expanded Senior Citizen Act at ng kanyang amang si Sen. Eduardo Angara naman ang author ng original na batas upang makatulong nang husto sa mga nakatatanda.

Sa kanyang pagtatrabaho with Julia Montes, higit na maaabot ang mga kabataang tulad ni Sonny Anga­ra. Sa kanyang edad, tatlo na pala ang mga anak nina Sonny at Tootsy.

 

CHITO RONO

DENNIS TRILLO

DIREK CHITO

JULIA MONTES

KABATAANG BARANGAY

KANYANG

KAYA

QUEZON CITY

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with