^

Pang Movies

Sa galit sa kalaban isang anak ni Pacman binato ang tv nang bumagsak ang Ama

Maryrose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bukod sa pagkakabagsak ni Congressman Manny Pacquiao sa laban nila ni Juan Marquez sa MGM Garden Arena sa Las Vegas, Nevada mainit na pinag-usapan din ng ating mga kababayan ang naging reaksiyon at pag-iyak ng misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao. Kuhang-kuha kasi ng mga camera ang paghagulgol ni Jinkee habang kayakap ang manager na si Bob Arum.

 “Natakot ako nung hindi siya nakabangon agad kasi first time kong nakita siyang ganun. Never in my whole life na nakita ko si Manny na knocked down talaga, na parang as in na medyo napakatagal makabangon.

“So, natakot talaga ako na kung anong nangyari sa kanya. Ang sinasabi ko sa kanya, dun sa mga Amerikano na humarang sa akin, even Bob Arum, na gusto kong tingnan si Manny. Itse-check ko lang kung okay siya. Hindi nila ina-allow, hindi sila pumayag.

“Pero sabi nila, may doctor naman so, hayaan muna lang daw ang doctor ang magtsi-check sa kanya,” pahayag ni Jinkee sa interview sa kanya ng Aksyon TV, Balitang 60.

Third round pa lang ay nabahala na siya nang unang napatumba ng Mexican boxer ang kanyang asawang si Manny. Todo dasal ang ginawa niya.

“Basta nagdadasal lang ako sa Panginoon na tulungan siya. Medyo na-over lang si Manny sa fight kaya medyo nagkaroon ng tiyempo si Marquez na nakakita ng tiyempo na mapuruhan siya.

“Eh ganun talaga, kailangan lang natin i-accept ’yung defeat kasi ’pag ang isang bagay, pag ’yan ang naging propesyon mo, kailangan marunong kang um-accept ng talo.

“So, hindi naman kailangan laging panalo. Kailangan ka ring tumanggap ng pagkatalo. But kami, as long as he’s okay ’yung health niya, ’yun ang pinaka-importante sa amin.

“Kumbaga ngayon, hindi si Manny as a boxer, ’yung parang a man of God na kahit na anumang mangyari sa kanya, mangyari sa amin, this is for Christ.

“Thankful kami kay Lord for everything, for helping him. Everything happens for a reason and we honor God,” paliwanag pa ni Jinkee.

Habang kinakausap ng Aksyon TV si Jinkee ay nagpapahinga si Manny kasama ang Team Pacquiao.

“Nagpapahinga na siya ngayon, nagsasalita na nang maayos, nakakalakad na nang maayos. So, everything is fine. Okay na siya. ’Yun lang sana ang sasabihin ko sa mga tao, ang pinaka-importante ay ’yung kalusugan niya, na he is okay.

“Hindi na sana isipin na talo o panalo kasi ganun talaga ang mangyayari sa buhay ng isang tao — natatalo, nananalo. Pero basta ang importante ay ang health natin na okay naman. So ’yun lang ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.

“Medyo nga… ’yung in-explain ko sa mga tao, na ’yung pag-iyak ko, siyempre asawa ako, ayaw ko na makikita ang husband ko na anuman ang nangyayari sa kanya.

“Ayaw ko na parang malubha siya, or may masamang mangyari. Basta ang importante ay, ’yun nga, he’s okay.

“And thank God he is okay. ’Yun ang pinaka-importante,” makahulugang pahayag pa ng misis ni Pacman.

Ipinakita rin sa balita na umiiyak ang isang anak ni Manny nang makitang pinatulog ito ni Marquez.

Kuwento ni Jinkee, “Tinawagan na kanina. Actually, si Manny ang tumawag kanina kasi hindi ko pa kayang kausapin sila kasi baka humagulhol na naman ako sa pag-iyak. Siyempre, naramdaman ko ’yung pain kasi siyempre napi-feel ko naman ’yung ano’ng naramdaman nila.

“So, si Manny ang tumawag. Sabi niya, ‘Okay lang ’yan.’ Hindi ko lang alam pagbalik namin, baka ’yung isang anak ko na ang kakausap sa kanya. I’m sure ayaw nilang makita ang ama nilang nasasaktan. ’Yung isa kong lalaki nga, si Michael, ’yung pangalawa, ay binato raw ’yung TV. Siyempre nagalit sa kalaban.

 

 

vuukle comment

BOB ARUM

JINKEE

LANG

MANNY

OKAY

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with