Balita ng Cinemanila, nilamon ng isyu kay Pacman
Nakatutok ang atensiyon ng lahat sa ending ng laban nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez kaya hindi namalayan ang awards night ng Cinemanila na ginanap sa Bonifacio High Street Ampitheater sa Taguig City noong Sabado.
Heto ang winners ng International Competition ng Cinemalaya:
Best Actress – Oula Hamadeh, Kayan (Iran/Canada/Lebanon)
Best Actor – Seo Young-joo, Juvenile Offender (South Korea)
Best Directors – Carlos Reygadas for Post Tenebras Lux (Mexico, 2012) and Nawopol Thomrangrattanarit for 36 (Thailand)
Lino Brocka Grand Prize – Juvenile Offender (South Korea) by Kang Yi-kwan
Grand Jury Prize – If it’s Not Now, then When? (Malaysia) by James Lee
Pinagkalooban din ng Lifetime Achievement Awards sa Cinemanila ang mga namayapang direktor na sina Marilou Diaz-Abaya at Celso Ad Castillo. Nagsimula ang Cinemanila noong Dec. 5 at magtatapos ngayong Dec. 11.
Bumalik na sa Amerika ang mga anak ni Celso Ad Castillo, pagkatapos ilibing ang mga labi ng kanilang ama.
Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ng magkakapatid. Lungkot dahil umuwi sila sa Pilipinas para ihatid sa huling hantungan ang kanilang ama. Saya dahil nakita nila ang mga kamag-anak at mga kaibigan na matagal nang hindi nakakasama.
Manny at Jinkee napaiyak sa interbyu, anak Na si Princess ayaw nang pagboksingin ang ama
Takot ang naramdaman ng mga anak nina Papa Manny at Jinkee Pacquiao dahil napanood nila sa TV ang nangyari sa kanilang ama.
Ayaw na ni Princess na lumaban pa sa boxing ang tatay niya. Si Princess ang third child nina Papa Manny at Jinkee na nagsabi na natakot siya sa kanyang napanood. Wish ko lang, hindi na-trauma ang mga bagets sa mga eksena na napanood nila sa TV.
Hindi ko napanood kahapon ang Unang Hirit kaya na-miss ko ang live interview sa mag-asawa. May nagkuwento sa akin na napaluha ang mag-asawa habang iniinterbyu sila sa morning show ng GMA 7.
Kris ligtas na SA allergy na nagpaluha ng mata at nagpamaga ng mukha, bawal pa namang magkasakit SA shooting ng Sisterakas hindi pa tapos
Nahinto pala ang shooting ni Kris Aquino para sa isang product endorsement noong Linggo dahil sinumpong siya ng allergy.
Isinugod sa ospital si Kris dahil naging masama ang kanyang pakiramdam. Tinurukan siya ng steroids at binigyan ng anti-allergy medicine para mawala ang pagluluha ng kanyang mga mata at pamamaga ng mukha.
Maayos na ang kalagayan ni Kris dahil pinayagan na siya ng mga doktor na makauwi ng bahay. Nagpapahinga na lamang siya dahil bawal sa kanya ang magkasakit bilang hindi pa tapos ang shooting ng filmfest movie nila nina AiAi delas Alas at Vice Ganda.
- Latest