Nora, manalo o matalo sa MMFF sisipa na uli ang career sa 2013!
Nakakatiyak na si Nora Aunor win or lose man siya (pero malamang win) sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 Awards Night for her performance in Thy Womb na magiging alive and kicking — and how — ang kanyang showbiz career in 2013.
For one, she will star in a new series for TV5, Never Say Goodbye where for the first time ay makakapareha niya sina Cesar Montano at Alice Dixson. She will play wife to Cesar, samantalang obvious na Alice will be the “other woman.’’
Did we hear it right na si Mac Alejandre ang magdidirek ng series na ito?
Nora herself has assured her following that she will hold a concert on her birthday on May 21. It appears that her voice, which was affected after she underwent an operation, has been restored after consulting a throat expert in Boston, USA.
Maituturing na napaka-successful ng comeback ni Nora because she has been working nonstop after binigyan siya ng TV5, which facilitated her comeback, ng isang magandang series na Sa Ngalan ng Ina. Ito ang naging huling directorial job ni Direk Mario O’Hara.
Direk Mario died dahil sa cancer.
Aside from Thy Womb, may isa pang MMFF entry si Nora, ang El Presidente where she is paired, also for the first time, with Laguna Gov. Jorge ER Ejercito. She plays second wife to Gov. ER., who acts the part of Emilio Aguinaldo, first president of the Republic of the Philippines.
Kuwento kasi ni Presidente Aguinaldo ang El Presidente at ang effort na ginawa niya para matamo ng ating bayan ang kalayaang ini-enjoy ng bawat Pilipino ngayon.
Kay Cristine Reyes naman napunta ang role bilang first wife ni Gov. ER.
Vice Ganda naging close na kay aiaI dahil sa dwoya
Only a few obviously noticed the presence of Jed Silang, AiAi delas Alas’ young boyfriend (or husband na ba talaga?) at the presscon of her movie with Kris Aquino and Vice Ganda, Sisterakas, na ginanap sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.
Likas daw kasing mahiyain itong si Jed who is tall and good looking. Kaibigan pala niya ang boyfriend ni Vice kaya close ngayon sina AiAi at Vice.
Isang basketbolista ang naru-rumor na boyfriend ng gay comedian.
Tungkol nga pala sa Sisterakas, which is a filmfest entry for this year ng Star Cinema, it marks the first movie together nina Kris, Vice, at AiAi. Likewise, first time rin ni Kris na makatrabaho si Direk Wenn Deramas.
In the case of AiAi and Vice, kung ilang ulit nang naidirek ni Direk Wenn ang dalawa sa pelikula nila na pawang certified moneymakers.
Ayon kay Kris, it was her idea to include AiAi in Sisterakas, as we all know, the film originally would have teamed up just her and Vice.
‘‘Para mas bongga,’’ katuwiran ni Kris.
Kung sabagay, walang puwedeng magsabi ngayon na may pelikulang as moneymakers and as star-studded as Sisterakas. Yes, among all entries sa darating na MMFF.
To add certainty, para maging top grosser ang Sisterakas, isinama pa rin sa cast ang itinuturing na pinaka-popular na love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
- Latest