Anak ng magaling na aktor lulong sa droga, batang aktor naimpluwensiyahan!
MANILA, Philippines - Merong palang hideout ang mga batang aktor na ginagawa niyang sesyunan ’pag kailangan nilang tumira ng droga. Talamak daw sa droga ang isang anak ng magaling na aktor na siyang nakaimpluwensiya sa kaibigang aktor.
Mula nang makatikim ng droga ang young actor na kelan lang nabigyan ng break sa telebisyon, nagsimula na ang kalbaryo ng staff at co-stars niya. Maging ang girlfriend niyang artista ay nagsawa na rin sa kalokohan niya’t hiniwalayan na siya.
Sayang ang career ng aktor na ito dahil meron pa naman siyang potensiyal upang makilala bilang magaling na aktor. Pero dahil sa droga, mukhang babalik uli sa pagiging one of those ang young actor na una niyang pinanggalingan.
Singing contest ng Ala Eh! Festival dinagsa ng malalaking artista
Nabulabog ang mamamayan ng Tanauan City ng Batangas nang doon gawin ang finals night ng VSR (Voices, Songs and Rhythms) na pet project ni Gov. Vilma Santos-Recto tuwing dinadaos ang Ala Eh! Festival tuwing unang linggo ng Disyembre.
Punumpuno kasi ang JBL Gym II ng bayan at marami pang taong hindi nakapasok upang saksihan ang makulay na kantahan ng mga taga-Batangas. Upang makapanood ang nasa labas ng gym, naglagay ng wide screen sa harap ng venue upang masaksihan ng mga tao ang naganap na kantahan.
Feeling nga namin, opening number ng show ng gobernadora na Vilma! ang nasaksihan namin sa umpisa dahil engrande talaga! Pati mga mayor ng ilang bayan sa Batangas ay merong song and dance number, huh! Although masyadong mahaba, entertaining din naman ang dating na makitang game rin ang bawat puno ng bayan ng probinsiya.
Star-studded din kasi ang palabas. Sa judges pa lang, present na sina Claire de la Fuente, Vernie Varga, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Champ Lui Pio, Vons Arroyo, at mga composer na sina Vehnee Saturno, Mon del Rosario, Nonoy Tan, at Rey Valera.
Host naman nung simula si Venus Raj na sinamahan ni Vice Ganda bago ang kantahan na na-late ang dating dahil sa traffic. Humabol din si Sen. Ralph Recto nung almost 11 p.m. na kaya lubos ang tuwa ng tao sa gym sa presence niya.
Dalawang division ang nagtagisan sa VSR. Pito ang finalists sa junior edition at pito rin sa senior division. Grabe rin ang power ng mga boses ng lahat ng kalahok!
Of course, saludo kami kay Gov. Vi sa proyekto niyang ito bukod pa sa ibang activities kaugnay ng festival. Ibang-iba na kasi ang personalidad ng aming kaibigan. Proud na proud kami sa estado niya ngayon bilang politician.
Pero sa tuwing makikita niya kami, nandoon pa rin ang init ng friendship niya na hinding-hindi namin ipagpapalit!
Mabuhay ka, Gov. Vilma Santos-Recto!
- Latest