^

Pang Movies

Zanjoe nagpaka-seryoso at pormal na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naiintriga kami sa filmfest entry ng Star Cinema na One More Try. Iba naman kasi ang mga star ng pelikula na mapapanood nating magda-drama:  Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Dingdong Dantes. May kanya-kanya silang dahilan kung bakit nila tinanggap ang role sa pelikula. 

Sabi ni Angel, dahil kay Ruel S. Bayani imbes na magbabakasyon siya sa buwang ito ay hindi na nagawa dahil mismong ang direktor ang kumausap sa kanya. May maganda pala silang pinagsamahan noong sila ay nasa GMA 7 pa. Bukod sa nagandahan talaga si Angel sa story na angkop sa Kapaskuhan. 

Say naman ni Angelica, na-in love agad siya sa karakter niya na may asawa at bubuo ng pamilya. 

Si Zanjoe naman, ito na raw ang pinakamalaking project sa pelikula na ginawa niya bilang drama actor. Masyadong seryoso at pormal. 

First time naman nina Dingdong at Angel na gaganap bilang ex-lovers pero magre-reconnect. Sabi nga ni Dong, masyadong mabigat ang kanyang role kaya sa kagustuhang maging makatotohanan okay lang na mag-take two or three siya basta walang sablay.

Sa madaling salita, ito palang One More Try ay maikli ang title pero mahaba at sanga-sanga ang kuwento ng magkakaibang pamilya.

Kapamilya at Kapatid parties nagpasaya

Salamat sa ABS-CBN sa importansiyang ibinigay sa movie press! Talagang dedicated sila sa lahat ng entertainment writers kahit sa “table” lang nagsusulat. 

Love namin ‘yung ginawa nilang segments sa Christmas party na It’s Showtime, Deal or No Deal na kasama sa 24K girls ang ilang editors and writers, at ‘yung Christmas Station ID na media version.

Lahat kami umuwing masaya dahil walang talunan.

Merry Christmas din sa Kapatid Network na kasunod din ng party ng Kapamilya. Iba rin ang ginawang treatment nila sa movie press. Nag-enjoy naman kami sa pa-disco nila na may mga sayaw at costume pa mula 1970s. Kanya-kanyang pabonggahan!

Ang ganda-ganda ng nag-host na si Valeen Montenegro. Ibang-iba rin ang aura nina Eula Caballero at Ritz Azul. 

Game na game naman ang hunk model-actor na si John James Uy at nag-donate pa ng P5,000. Ang kikisig din nina Jay Manalo, JC de Vera, at Marvin Agustin.

Nakatsika namin ang mga executive sa PR department ng TV5. Marami raw malalaking pasabog ang kanilang network pagpasok ng 2013. Abangan!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

CHRISTMAS STATION

DINGDONG DANTES

EULA CABALLERO

JAY MANALO

JOHN JAMES UY

KAPAMILYA

ONE MORE TRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with