^

Pang Movies

Gracenote nabinyagan na!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Isa na namang young band ang nabigyan ng break na makapag-record ng sariling album. Ganap nang recording artist ang Gracenote. 

Ang babata ng apat na miyembro ng pop rock band na nasa ilalim ng management na Soupstar Entertainment. Pero nakailang taon na rin naman sila sa eksena bago nabigyan ng go signal na handa na silang isa-album ang mga kanta. Nakapaloob ang mga original composition nila sa indie album na First Movement. Inilabas ito ng Soupstar Music at idini-distribute na ngayon ng PolyEast Records.

Walang tigil sa kapapasalamat ang bokalista, gi­ta­rista, at violinist na si Eunice Jorge sa lahat ng du­malo sa album launching nila sa ’70s Bistro sa Anonas, Quezon City kamakailan. Napuno kasi ang re­novated venue ng mga supporter nila mula sa online groups, media, pamilya’t kaibigan, at ilang kapatid nila sa Soupstar na 6Cyclemind at Callalily. Pati si Ramon Bautista ay special guest nila.

Ganap na silang nabinyagan bilang professional band at ikinatuwa ito ng Gracians na alam na alam na pala ang mga kanta ng kanilang iniidolong banda. Nanggaling pa ang iba sa iba’t ibang probinsiya at naki-chorus sa kantahan.

Madali naman kasing sabayan ang mga kantang Knock Knock, Pwede Ako, Amnesia, Faraway, Minsan Lang Naman,  Play It Again, Stop Stop!,  at Amnesia (acoustic). Dalawa sa kanta nila, ang Pwede Ako at Amnesia, ang sinulat ni Darwin Hernandez ng Moonstar 88.

Potential hit ang Pwede Ako, magandang pakinggan sa live man o sa CD. Pero siyempre ang make-credit dito ay ang songwriter at hindi maangkin ng Gracenote ang kanta kapag pumatok.

Mabuti na lang at may alas pa silang isa, ang Faraway. Sabi ni Eunice na siyang naglapat ng musika sa lyrics ng gitaristang si Chen Pangan, ito ang isa mga una nilang kinakanta-kanta sa gigs. Dito siya nagba-violin. Malungkot ang kanta at kumakapit sa tenga.

Una kong napanood ang Gracenote sa benefit gig ng isang foundation para sa sakit na psoriasis nung isang taon at masasabi kong malaki na ang improvement ng quartet.

Hindi maiaalis na may marinig na timplang Moonstar 88 at Imago ang tugtugan ng Gracenote dahil sister bands nila sa Soupstar ang dalawang nabanggit. Sino pa nga ba naman ang iidolohin nila?

Habang kumakanta nga si Eunice ay parang nakikita ko sa kanya ang batang version ni Aia de Leon sa Imago. Magkaiba nga lang sila ng songwriting skills at hagod ng boses.

Tulad ng mga impluwensiya nilang local bands, kaya ring humawak ng iba’t ibang musical instruments ang nasa banda, kabilang na sina Jazz Jorge, na bahistang kapatid ni Eunice, at EJ Pichay na drummer.

Hindi nahiya ang banda na ibenta ang First Movement album nila sa mga pumunta sa launching dahil maganda ang kabuuan ng kanilang kauna-unahang produkto sa recording scene. 

May ipare-rebyu?

E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

CHEN PANGAN

DARWIN HERNANDEZ

EUNICE

EUNICE JORGE

FIRST MOVEMENT

GANAP

GRACENOTE

NILA

PWEDE AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with