^

Pang Movies

Mga programa at personalidad ng GMA, kinilala ng Anak TV

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumanggap ng pagkilala ang ilang mga programa at personalidad ng GMA Network sa Anak TV Seal Awards noong Dec. 4 sa Quezon City. 

Nanguna sa listahan ng mga Kapuso personality na pinarangalan ng Anak TV ang multi-awarded news pillar na si Jessica Soho na naging top female personality sa Anak TV Roster of Makabata Stars. Si Soho ang nagkamit ng pinakamataas na score sa female personalities sa Boto Ko Surveys sa ikalawang magkasunod na taon.

Kasama rin sa listahan ng Makabata Stars ang mahuhusay at mapagkakatiwalaang broadcast journalists ng GMA News and Public Affairs (N&PA) na sina Arnold Clavio, Vicky Morales, at Kara David, gayon din ang blockbuster king at Eat Bulaga host na si Vic Sotto. 

Ang mga Anak TV Makabata Hall of Famers at anchors ng flagship newscast ng GMA na 24 Oras na sina Mike Enriquez at Mel Tiangco ay muli namang namayagpag sa survey sa ika-walong pagkakataon.

Pinarangalan din bilang mga most well-liked TV programs ng Anak TV ang award-winning GMA news magazine program na Kapuso Mo, Jessica Soho, ang unang wish-granting program na Wish Ko Lang, ang longest running noon time show na Eat Bulaga, at 24 Oras. 

Tumanggap din ng Anak TV seal bilang pagkilala para sa family-friendly at child-sensitive content nito ang mga sumusunod na GMA shows: Kapuso Mo, Jessica Soho, Wish Ko Lang, Born to be Wild, Pinoy MD, at Aha! ng GMA N&PA; at Daldalita, i-Bilib, Kap’s Amazing Stories, Kusina Master, at Tropang Potchi ng GMA Entertainment.

Kinilala rin ng Anak TV ang ilang prog­rama ng number one news channel sa bansa na GMA News TV tulad ng Adyenda, Ang Pinaka, Brigada, Day Off, Diyos at Bayan, Good News, I Juander, Idol Sa Kusina, Jesus the Healer, Pop Talk, at Sarap Pinoy.

Ang mga nanalo ay pinili ng mahigit 3,000 jurors mula sa iba’t ibang sektor ng li­pu­nan sa pamamagitan ng assessment screenings mula Marso hanggang Nobyembre ngayong taon.

vuukle comment

AMAZING STORIES

ANAK

ANG PINAKA

ARNOLD CLAVIO

BOTO KO SURVEYS

EAT BULAGA

GMA

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with