^

Pang Movies

Angel ipinagmamalaki ang akting, ayaw talagang sumuko sa superstar

ISYU AT BANAT - Ed De Delon - Pang-masa

Hindi naman pala totoong give up sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa laban bilang best actress sa 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sabi nga nila nag-effort naman sila ng husto sa kanilang pelikulang One More Try, at alam nilang maganda ang kinalabasan ng kanilang ginawa. Alam nilang bukod sa posibilidad na may mananalo sa kanila ng award, alam nila na ang kanilang pelikula ay kikita sa takilya dahil magugustuhan iyon ng masa na siyang maraming nagbabayad sa mga sinehan.

“In fairness, ang galing-galing ni Angelica sa napakaraming eksena sa aming pelikula. At ako, hindi naman po ako nagpatalo,” sabi ni Angel nang humarap sa press noong press conference ng pelikula nila.

Sinasabi rin naman ng kanilang direktor na si Ruel Bayani, na maganda nga ang kinalabasan ng One More Try. Alam nilang panlaban iyon sa awards man o sa box office at todo naman ang bet niya sa kanyang dalawang artista na nakita niyang napakahusay naman ang ginawa.

“Oo nga siyempre ang kalaban mo ay si Nora Aunor na marami nang ginawang magagandang peli­kula pero ang pinag-uusapan naman ngayon ay iyon lang pelikula niyang kasali sa film festival at itong pelikula namin.

“Wala na iyong nakaraang panahon. Ang pinag-uusapan lamang ay ang mga pelikulang kasali ngayon. Ang pinag-uusapan lang ay iyong walong pelikula. Walang Himala rito,” sabi ng direktor.

Ngayon, sino nga ba ang nagkakalat na parang suko na pareho sina Angelica at Angel dahil makakatapat ng pelikula nila ang pelikula ng dating Superstar? Aba, eh siguro naman eh “alam mo na”.

Alice inaabangan nang mag-file ng divorce

Nagulat din kami nang marinig naming baka nga humingi na ng divorce ang aktres na si Alice Dixson para tuluyan nang makahiwalay sa kanyang asawang si Ronnie Miranda. Hindi pa naman mali­wanag ang mga detalye. Basta ang alam natin ma­tagal na rin naman sa Pilipinas si A­lice at hindi naman sumusunod dito ang kanyang asawa at mukha ngang may problema sila.

Ayaw naman nating pakialaman ng husto kung anuman ang problema nila. Oras kasing mag-file si Alice ng divorce, lalabas din namang lahat kung anuman ang kanyang kuwento.

Huwag na nating pangunahan nga­yon.

Aktor na umuwi sa ’Pinas napatunayang tinotorotot ng misis, perang ipinapadala diretso pa sa boyfriend

 “Pasensiya na. Nagkaroon kasi ako ng mga problema,” sabi ng isang dating aktor sa kanyang e-mail sa kanyang kaibigan matapos na siya ay magbalik na sa US.

Noon palang umuwi siya sa Pilipinas ay napatunayan niyang totoo ang tsismis, na ang misis niya ay may boyfriend na iba at doon pa sa lalaki napupunta ang mga ipinadadala niyang pera.

Nabimbang yata niya ang misis niya at ngayon gusto na niyang hiwalayan nang tuluyan.

 

vuukle comment

ALAM

ALICE DIXSON

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

NORA AUNOR

ONE MORE TRY

PELIKULA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with