Birthday ni Ronnie Ricketts, dinayo ng mga Muslim
Noong Lunes ay ipinagdiwang ni Charman Ronnie Ricketts ng Optical Media Board ang kanyang kaarawan sa isang simpleng merienda cena sa kanyang opisina. Tuluy-tuloy ang pagdating ng mga bisita laluna ang mga Muslim brothers na nagmamahal sa kanya.
Isa sa nakilala namin si Tata ng Metro Walk na nakipagtulungan kay Chair. Ronnie para masugpo ang pirated tapes at pinag-uusapan na kung paano mabibigyan ng pangkabuhayan ang mga nagbebenta ng pirated DVD’s na nawalan ng trabaho.
Nagsasalita ang grupo ng mga Muslim brothers at sinasabing malaki ang respeto nila sa Chairman dahil sa sunud-sunod na pakikipagpulong sa kanila kung saan damang-dama nila ang sinseridad nito sa kanilang pagtulong para masugpo ang piracy sa bansa.
Napisil din ng ABS CBN’s Filipino Channel ang Chairman as the face of global anti-piracy campaign. Napili rin siya ng Armed Forces of the Philippines bilang kasangga na pinasimulan ng Department of national Defense sa pangunguna ni Honorable Voltaire Gazmin sa pagpo-promote ng AFP campaign titled Bayanihan.
Bilang parangal sa kanyang dedication, hard work, at exemplary leadership sa pangangalaga ng Music Industry pinagkalooban din si Chair Ronnie ng parangal mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI) noong 25th Awit Awards ng Nobyembre 27,1023 sa Ayala Center sa Makti.
Sa kabilang banda ipapalabas na ang kanyang pelikulang Fighting Chefs ngayong pagpasok ng taon.
Luminary Talent Management marunong magpasalamat
Supersaya ng entertainment press sa Thanksgiving Xmas party ng Luminary Talent Management ni Popoy Caritativo .
Kaya naman hindi kami magtataka kung bakit tuloy ang blessing ng kanyang mga alaga.
- Latest