^

Pang Movies

Gov. ER hindi nameke ng extra, 500 ang kinuha, budget ng EL Presidente inabot din ng P110M

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa kabuuang budget na P110 million at dinirek pa ni Mark Meily, dapat asahan na ubod ng ganda ang 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na El Presidente (The Gen. Emilio Aguinaldo Story). With multi-awardee Laguna Gov. ER Ejercito (Jeorge Estregan) playing the title role, very impressive ang trailer nito.

Masaya ang actor/politician na this MMFF ay madaragdagan ang chance niya na kumita ng husto sa takilya. Binigyan kasi ng rating na GP or Gene­ral Patronage ang El Presidente. Pati mga bata na gus­tong mapanood ang makulay na kasaysayan ni Gen. Aguinaldo makakapila sa box office with their pa­rents, friends, kasama ang mga yaya.

Isa pang plus factor ang endorsement from the Department of Education. Mahalaga ang malaman ng kabataan ang buong kadakilaan at kabayanihan ng unang presidente ng Pilipinas upang higit na ipagmalaki at ipagdiwang nila ang pagka-Pilipino.

Makakatulong pa ng malaki sa malakas na atraksiyon ng El Presidente ang malalaking artistang suporta tulad ni Nora Aunor as Maria Agoncillo, Christopher de Leon as Gen. Antonio Luna, Cesar Montano as Andres Bonifacio, Cristine Reyes bilang unang asawa ng heneral, at ang mistulang Who’s Who in Pinoy movies na gumaganap sa maraming tauhan ng ating kasaysayan.

Tiniyak ni Gov. Ejercito na 99 percent ng pelikula ay katotohanan. Kung meron silang dinagdag for cinematic reason, baka kulang pa sa isang porsiyento. Hindi nila hinangad na lumihis sa tunay na kasaysayan upang mabigyang hustisya at tunay na pagpapahalaga ang ating mga dakilang bayani.

Kaya kapag nanood na tayo ng El Presidente, daig pa natin ang nagbasa ng history book dahil in the glory of colorful scientific wonders ang paglalahad ng El Presidente. Pati ang mga biggest sequence, makatotohanan. Kung 500 extra ang kailangan, limang daan ang mapapanood natin without computer enhancement.

‘‘Gusto naman namin na masulit ang ibibili ninyo ng ticket upang manood ng unang pagsasapelikula ng tunay na buhay ni Gen. Emilio Aguinaldo,’’ wika ni Gov. Ejercito na bakas sa mukha ang buong kasiyahan sa kabuuan ng El Presidente.

Bukod sa paghakot ng maraming MMFF awards, sana naging malakas ang laban ng El Presidente sa top grosser race.

Luminary Management nagpapasaya sa pasko ng showbiz

Every year we look forward to Popoy Caritativo’s Luminary Management’s thanksgiving/Christmas party for the showbiz press. Dapat lang naman naming abangan ang taunang pasasalamat nina Popoy, kasama ang kanyang mga talent na sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Janice de Belen, Rafael Rosell, Martin Escudero, AJ Dee, at ang bagong dagdag sa pos­ter na si Tom Rodriguez.

From the food to raffle prizes and Christmas gifts, pinaghandaan talaga ng leading talent manager at kanyang mga artista, kung paano lubos na masisiyahan ang lahat ng kanilang invited guests.

Sa pagkain that evening sa Annabel’s restaurant, bukod sa continental at Pinoy cuisine, may Japanese food, dagdag na Angus beef at roast pork. Meron pang fresh oysters for appetizer.

Punung-puno ang dessert table ng fresh fruits, minatamis na kamote, carrot cake, at marami pang concoctions.

Ang pa-raffle with big cash prizes, apat na rounds.

Sa mga reader na madalas magtanong kung paano kami nagse-celebrate ng holiday season at kung paano kami lubos na nagiging masaya, ang party nina Popoy ang isa sa mga nagbibigay sa amin ng labis na tuwa. Hindi lang kasi puro material ang okasyon. Taun-taon kasi ay may pagkakataon ang mga talent niya na ipahayag sa amin ang taus-pusong pasasalamat sa maraming naitulong namin sa kanilang career.

Merong mga artista na kahit maraming beses mong naisulat ng maganda, hindi man lang nagpasalamat. Minsan lang makabasa ng constructive criticism, sasabihin pang sinisiraan mo siya at agad kang matatawagan!

 

ANDRES BONIFACIO

ANTONIO LUNA

CESAR MONTANO

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

EJERCITO

EL PRESIDENTE

LUMINARY MANAGEMENT

PRESIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with