Pagpasok sa pulitika ni Vic Sotto, walang kamatayang isyu!
Hit na hit ang chacha dance ni Ryzza Mae Mendoza sa Eat Bulaga dahil ginagaya ito ng maraming tao. Pati si Vic Sotto, naengganyo rin na gawin ang chacha dance ni Ryzza Mae sa isang eksena ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.
Alam ko ang sinasabi ko dahil napanood ko kahapon ang trailer ng pelikula sa presscon para kay Bossing. Isinayaw ni Bossing ang chacha ala-Ryzza. Tuwang-tuwa si Bossing kay Ryzza dahil napakabait at maabilidad ang bagets
Alas-tres ang imbitasyon sa presscon ni Bossing pero 4:00 p.m. na nang dumating siya sa venue.
Fresh na fresh si Bossing as in parang hindi siya nanggaling sa kanyang work sa Eat Bulaga. Ikinuwento niya na lalong naging solid ang friendship nila ni Bong nang magkasama uli sila sa isang movie project.
Bilib na bilib si Bossing kay Judy Ann Santos dahil very professional ang aktres.
Beautiful and good working relationship ang sey ni Bossing tungkol sa first movie team up nila ni Judy Ann. Sinagot uli ni Bossing ang walang kamatayan na tanong tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.
Ipinaliwanag ni Bossing na hindi pa siya handa na pasukin ang mundo ng pulitika. Puwede raw siya na maging public servant in his own right. Hindi raw kailangan na maging pulitiko siya para magkaroon ng relevance sa lipunan.
Nagbitaw din ng salita si Bossing na hindi niya makakaya na iwanan ang Eat Bulaga.
Good example ang kanyang kapatid na si Sen. Tito Sotto na umaapir pa rin sa Eat Bulaga kung walang session sa Senado. Mahirap daw iwanan ang Eat Bulaga na totoo naman dahil if Vic Sotto is Vic Sotto, Eat Bulaga is Eat Bulaga. Pero naging mailap si Bossing sa kanyang sagot nang tanungin siya kung totoo na dumalaw si Pauleen Luna sa shooting ng
Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako. Walang direktang sagot si Bossing kaya lalong naintriga ang mga reporter sa estado ng kanyang love life.
Samantala, ipinagmalaki ni Bossing na mga Pilipino ang gumawa ng special effects ng pelikula nila ni Bong. Makikita raw sa filmfest movie nila ang kagandahan ng Pilipinas dahil nag-shooting sila sa mga lugar sa Ilocos Norte na hindi pa nagagamit sa ibang local films.
Raffy Tima at Mariz Umali ikakasal na
Ikakasal sa darating na Sabado ang mga GMA News reporter na sina Raffy Tima at Mariz Umali. Mga ninong at ninang sa kanilang kasal sina Atty. Felipe Gozon, Mike Enriquez, Mel Tiangco, at ang ibang mga kasamahan nina Raffy at Mariz sa newsroom ng Kapuso Network.
Idaraos ang pag-iisang dibdib nina Mariz at Raffy sa Sanctuario de San Jose, Greenhills, San Juan.
- Latest