^

Pang Movies

Mabahong paa ng aktor, nagamot na!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isang feedback tungkol sa aktor na iba ang amoy ng paa. Nagpagamot na siya at naalis ang masamang alingasaw, tuwing naghuhubad ng sapatos. Puwede naman palang malunasan ito. Kaya ang isa pang artista na may same problem, kumunsulta ka na rin sa isang experto tulad ni Dr. Vicki Belo.

Sen. Bong ginawa lahat para kumita ang pelikula

“Ginawa namin ang lahat para mapaganda ang pelikula,” pahayag ni Sen. Bong Revilla tungkol sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako, “kaya bahala na ang mga taong humusga sa aming entry sa Metro Manila Film Festvial.”

“Hitik na hitik sa drama, action, comedy at fantasy ang pelikula at tiyak naman na magugustuhan ng mga bata at ng buong pamilya,” dagdag pa ng Senador. “Talagang pang-No. 1 ang ibinigay naming dedikasyon sa paggawa ng pelikula namin.”

Ang sabi naman ng publicist na si Shirley Pizzaro, subok sa pagiging top grosser ang pinagsasanib-puwersa nina Sen, Bong at Vic Sotto sa takilya. Higit pang lumakas ang kombinasyon kay Judy Ann Santos, na bukod sa mahusay na artista, isang certified box-office queen.

Ang 2012 MMFF entry ng Imus Productions, M-Zet Films, Octo-Arts Films, GMA Films at APT Productions ang inaasahan na magiging topgrosser sa darating na pista ng Pelikulang Pilipino sa Dec. 25.

Noong unang magtambal sina Bossing at Sen Bong, nag-gross sila ng P31M on the festival opening day. Mahigit na P140 million ang naging kita nito sa loob lamang ng sampung araw.

Ang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako, nakuwenta na lalampas sa P200 million ang box-office take in just 10 days of the MMFF official duration. Tiyak na may extension pa sa maraming sinehan, kaya’t malaki pa ang madadagdag sa total gross.

Nagtambal na sa isang romantic-comedy sina Juday at Sen. Bong noong taong 2000. “Pareho pa kaming malulusog noon,” naalala pa ng actor/politician.

Ngayon sexy na si Judy Ann, higit na gumanda at mas mahusay na aktres. “Kapag tulad niya ang kasamang artista sa isang pelikula, inspirado kaming lahat at higit na gumagaan ang trabaho,” dagdag ng senador.

Ngayon pa lang, naghahanda na ang senador sa kanyang biggest project for GMA 7 na sisimulan sa 2013. Ito na ang pinakamalaking teleserye ng network, na magiging banner show nila sa bagong taon.

Pinaggagawa ni Cristalle Belo, puwedeng pang-indie

Ang pagiging malapit ang puso ni Cristalle Belo Henares sa mga mahihirap at ang mga ginawa niya para sa mga kapus-palad na mga kababayan, magandang paksa ng isang documentary or indie film.

Very touching ang naging salaysay ni Cristalle at ng kanyang mother na si Dr. Vicki Belo noong get-together with the press. Bata pa ang daughter ng bantog na beauty expert, lagi nang tumutulong sa mga mahihirap, minsan, nang tanungin ni Dra. Vicki ang ambisyon sa buhay ng anak, agad siyang sinagot ng: “Gusto kong maging mahirap.”

Nagpatuloy ang pagiging matulungin ni Crystalle habang istudyante sa elementary, high school at college. After her college graduation, nagtrabaho agad si Cristalle as a pre-school teacher sa Bukidnon. Tipong volunteer o mission work ito, kaya’t ang sweldo at P3,000 lang noon!

Sa halagang ito, doon pa kukunin ang rent sa isang ma­liit na kuwarto at pagkain ng anak. Worried ang doktora sa kalagayan ng anak. Kaya lang tumupad si Cristalle sa regulasyon na bawal siyang dalawin doon at magbigay ng pera ang kanyang ina. Sa first three months niya sa Bukidnon, kahit pinilit niya ang kanyang anak na palihim na tumanggap ng tulong, hindi sumuway sa regulasyon si Cristalle.

Kailan lang, nag-volunteer work uli siya upang tumulong sa mga underprivileged sa Tara Island, Palawan. Mula sa Co­ron ay sasakay pa ng motor boat ng dalawang oras, upang marating ang isang base island. From there, isang oras pa uli ang biyahe tungong Tara Island.

Nakita ni Cristalle ang hirap ng buhay doon, pero ang nakaluwag sa kayang dibdib ay maligaya naman sila, pati mga bata, kahit simple lang ang buhay at salat sa mga basic needs. Kahit nga shampoo with conditioner hindi pa yata nakakita doon, kaya’t pinapanood siya ng mga bata habang naliligo.

Ang human interest scenes, kayang-kayang isalin sa pelikula ng brother ni Cristalle na si Direktor Quark Henares. Makabuluhan ang mga kuwento at insights ni Cristalle, na kapag naging docu ay panonoorin sa ibang bansa at possible pang magwagi sa mga international film festival.

 

ANG SI AGIMAT

BONG REVILLA

BUKIDNON

CRISTALLE

CRISTALLE BELO

CRISTALLE BELO HENARES

DR. VICKI BELO

ISANG

TARA ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with