^

Pang Movies

Dr. Vicki iyak nang iyak: Cristalle umihi sa may puno ng niyog at nag-ulam ng asin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Crying ladies ang mag-inang Cristalle Henares at Dr. Vicki Belo sa appreciation dinner nila para sa press noong Huwebes ng gabi.

Nakakaiyak naman kasi ang mga kuwento ni Cristalle tungkol sa mahirap na pamilya na tinulungan nila ng Wish Ko Lang staff. Pampelikula na madrama na nangyari sa totoong buhay ang kuwento ng dalaga.

Napaiyak si Mama Vicki sa experience ng kanyang anak sa Isla Tara sa Coron, Palawan. Actually, tears of joy ang luha ni Mama Vicki dahil nagkaroon siya ng mga anak na disiplinado at mababait. 

Naranasan ni Cristalle na umihi sa tabi ng puno ng niyog at mag-ulam ng asin dahil napakahirap ng pamumuhay ng pamilya na tinulungan niya. Sure ako na hindi nila kilala ang bumisita dahil wala silang television set. 

Mapapanood ngayong hapon sa Wish Ko Lang ang journey ni Cristalle sa Palawan. Bato na lang ang puso ng televiewers na hindi maaantig ang damdamin sa mga eksena na mapapanood nila.

Nakakaawa ang dalawang matatalinong bata na nakasama ni Cristalle dahil bumibiyahe sila ng isang oras sa bangka para makarating sa school na pinapasukan nila. Masipag mag-aral ang dalawang bata dahil pangarap nila na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

Alfred malaki ang tsansa na magka-award dahil kay Bonifacio

Congrats kay Councilor Alfred Vargas dahil successful ang premiere screening kahapon ng kanyang pelikula, ang Supremo.

Ipinalabas sa dalawang sinehan ng SM Fairview Cinema sa Quezon City ang pelikula. Holiday kahapon dahil kaarawan ni Gat Andres Bonifacio pero dinagsa ng mga tao ang screening ng pelikula ni Alfred.

Tuwang-tuwa ang bida at producer da­hil maganda ang naging bunga ng kanyang mga pinaghirapan. Positive ang mga feedback sa pelikula at puring-puri ng mga tao ang performance ni Alfred. Next year, malaki ang chance na ma-nominate sa best actor ca­tegory ng iba’t ibang award-giving bodies ang pagganap ni Alfred bilang Bonifacio sa Supremo.

Gatecrashers hindi nakaporma

Hindi umubra sa akin ang mga gatecrasher na su­mu­god kahapon sa thanksgiving party ni Con­g­ress­man JV Ejercito dahil nag-retreat sila nang um­­pisahan ko ang pagtatanong kung sino ang nag-imbita sa kanila.

Walang maisagot ang mga gaka na may nakasabit sa leeg na media ID with matching props na ka­mera.

Ginagawang bisyo ng mga fake reporter ang pagpunta sa mga event na hindi sila invited. Matalas ang mata ko sa mga gaka dahil hindi tayo nakakasiguro sa kanila. Marami nang insidente ng nakawan ng gamit sa mga presscon ’no?!

 

vuukle comment

BONIFACIO

COUNCILOR ALFRED VARGAS

CRISTALLE

CRISTALLE HENARES

DAHIL

DR. VICKI BELO

FAIRVIEW CINEMA

SHY

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with