^

Pang Movies

Si Agimat… nakuwenta nang kikita ng P200M sa sampung araw

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

‘‘Ginawa namin ang lahat para mapaganda ang pelikula,’’ pahayag ni Sen. Bong Revilla, Jr.

“Kaya bahala na ang mga taong humusga sa   aming entry sa Metro Manila Film Festival (MM­FF). Hitik na hitik sa drama, action, comedy, at fantasy ang pelikula at tiyak namang maiibigan ng mga bata at ng buong pamilya. Talagang pang-number one ang ibinigay naming dedikasyon sa paggawa ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.’’

Ang sabi naman ng publicist na si Shirley Pi­zar­ro, subok na naging top grosser ang pinagsanib na puwersa nina Sen. Bong at Vic Sotto sa talikya. Higit pang lumakas ang kombinasyon kay Judy Ann San­tos, na bukod sa mahusay na artista ay isang cer­tified box-office queen.

Ang 2012 MMFF entry ng Imus Productions, M-Zet Films, OctoArts Films, GMA Films, at APT Productions ang inaasahan nang maging top grosser sa darating na pista ng pelikulang Pilipino sa Dec. 25.

Noong unang magtambal sina Bossing Vic at Sen. Bong, nag-gross sila ng P31 M on the festival ope­ning day. Mahigit na P140 million ang naging kita nito sa loob pa lamang ng sampung araw.

Ang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako ay nakuwenta nang lalampas sa P200 million ang box-office take in just 10 days of the MMFF official duration. Tiyak na may extension pa sa maraming sinehan kaya’t malaki pa ang madadagdag sa total gross.

Nagtambal na sa isang romantic-comedy sina Juday at Sen. Bong noong 2000.

‘‘Pareho pa kaming malulusog noon,’’ naalala pa ng actor/politician. “Ngayon sexy na si Judy Ann, higit na gumanda at mas mahusay na aktres. Kapag tulad niya ang kasamang artista sa isang pelikula, inspirado kaming lahat at higit na gumagaan ang trabaho.’’

Ngayon pa lang, naghahanda na ang senador sa kanyang biggest project for GMA 7 na sisimulan sa 2013. Ito ang pinakamalaking teleserye ng network, na magiging banner show nila sa bagong taon.

Karanasan sa volunteer works ng bunso ni Dr. Vicki Belo puwedeng pang-docu film

Ang pagiging malapit ang puso ni Cristalle Belo-Henares sa mga mahihirap at ang mga ginawa niya para sa mga kulang-palad na mga kababayan, magandang paksa ng isang documentary o indie film.

Very touching ang naging salaysay ni Cristalle at ng kanyang mother na si Dr. Vicki Belo noong get-together with the press. Bata pa ang daughter ng bantog na beauty expert, lagi ng tumutulong sa mga mahihirap.

Nagpatuloy ang pagiging matulungin ni Cristalle bilang estudyante sa elementary, high school, at college. After her college graduation, nagtrabaho agad si Cristalle as a pre-school teacher sa Bukidnon. Tipong volunteer o mission work ito kaya’t ang suweldo ay P3,000 lang monthly!

Sa halagang ito pa kukunin ang rent sa isang maliit na kuwarto at pagkain ng dalaga. Worried ang doktora sa kalaga­yan ng anak. Kaya lang tumupad si Cristalle sa regulasyon na bawal siyang dalawin doon at magbigay ng pera ang kanyang ina sa first three months niya sa Bukidnon. Kahit pinilit niya ang kanyang anak na palihim na tumanggap ng tulong, hindi sumuway sa regulasyon si Cristalle.

Kailan lang nag-volunteer works siya upang tumulong sa mga underprivileged sa Tara Island, Palawan. Mula sa Coron ay sasakay pa ng motor boat ng dalawang oras upang mara­ting ang isang base island. From there, isang oras pa uli ang biyahe tungong Tara Island.

Ang human interest scenes kayang, kayang isalin sa pelikula ng brother ni Cristalle na si Direktor Quark He­nares. Makabuluhan ang mga kuwento at insights ng sister niya na kapag naging docu ay panonoorin sa ibang bansa at posible pang magwagi sa mga international film festival.

ANG SI AGIMAT

BONG REVILLA

BOSSING VIC

CRISTALLE

DR. VICKI BELO

ENTENG KABISOTE

SHY

TARA ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with