^

Pang Movies

Top 15 ng Masterchef malalaman na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos maantig ang buong bayan sa kani-kanilang personal na kwento, sinimulan nang salain ang 40 magagaling na kusinero ngayong linggo sa nagbabagang sagupaan sa kusina para makapasok sa opisyal na Top 15 cooks ng kusina-seryeng MasterChef Pinoy Edition. Dadaan silang lahat sa iba’t ibang uri ng Inspiration Challenge gamit ang mga alaala o inspirasyon sa kanilang nakaraan o mga mahal sa buhay sa paghahanda ng kanilang putahe.

Siyam na ang pinangalanang pasok sa Top 15 noong Lunes (Nov. 26), Martes (Nov. 27), at kahapon (Nov. 28) kabilang na ang negosyanteng si Carla, ang kasambahay na si Betty, si Sonny Boy na sumikat sa kanyang darak cookies, ang pulis na si Lito, ang call center agent na si Reggie, ang estudyanteng si Gian, ang nurse na si Ivory, ang maybahay na si Maureen, at ang accounting associate na si Myra.

Sino sa nalalabing 16 na kusinero ang pa­pasa sa panlasa nina Judy Ann Santos-Agon­cillo, Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps? Anong putahe kaya ang magdadala sa kanila papalapit sa titulong kauna-unahang Pinoy MasterChef? Kaninong pangarap ang unti-unting mabibigyan ng katuparan? 

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ra­tings ang kusina-serye at patunay nga nito ang datos ng Kantar Media noong Lunes (Nov. 26) kung saan nakakuha ito ng 16.5% na national TV rating, malayo sa nakuha ng Face to Face ng TV5 (7.1%), at Cielo de Angelina (6.4%) at Nay-1-1 (4.2%) ng GMA 7. Patuloy na subaybayan ang MasterChef Pinoy Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. bago ang Be Careful with My Heart sa Umaganda block ng ABS-CBN at ang tuwing Sabado, 10 a.m. bago ang Be Careful with My Heart: Saturday Rewind.

vuukle comment

BE CAREFUL

CHEF FERNS

CHEF JAYPS

CHEF LAU

INSPIRATION CHALLENGE

JUDY ANN SANTOS-AGON

KANTAR MEDIA

MY HEART

PINOY EDITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with