^

Pang Movies

Priscilla payat na, John hindi na naman mapakali!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Perfect endorser na matatawag si Priscilla Mereilles ng Zerona Pro Rapid Weight Loss Program ng Contours dahil nine months pa lang siyang nakapapa­nganak pero ang laki na ng ibinawas ng timbang niya dahil sa nasabing procedure.

Kahapon sa press launch nga niya para sa nasabing endorsement, namangha talaga ang entertainment press nang sabihin niyang lumobo pala siya ng 230 lbs. habang buntis siya sa panganay nila ni John Estrada pero ngayon ay seksing-seksi na siya.

Say nga ni Priscilla, ang tawag sa kanya ni John noon ay butete.

 “He called me ‘my cute butete’. I asked him what is that. Sabi niya, it’s a bloated fish daw. That’s what he kept on telling me.

“Of course, I was hurt. Pero alam ko rin na it was his way of saying na babe, you’re getting bigger. So, it was a blessing that I came to know Dr. Claudine Roura (of Contours) and I was introduced to this procedure. Nag-try na rin ako ng ibang procedures before pero ayaw ko talaga ng may surgery.

“Kaya the ones I tried, after sometime lang, I get bloated pa rin. Nagwa-water retention. This is the one na nakasundo ko,” sabi ni Priscilla.

Tanong naman ni Manay Lolit Solis, kung siya raw ay tinatawag na “butete” ni John, ano naman ang tawag ng aktor sa dating asawang si Janice de Belen?

 “John addresses her as ‘the mother of my kids’. And she deserves it. He’s just so glad that she gave him such beautiful kids. John never makes jokes about her being the mother of his kids,” seryosong sagot ng beauty queen.

Would she recommend Contours Zenora to Janice kung sakali?

“If and when my advice would be needed, yes, I will. Kasi when you go through the process, relaxed ka lang. Ako nga, I fell asleep. But because she has a busy schedule, it may take a while pa,” sabi ni Priscilla.

Ano naman ang reaksiyon ngayon ni John na sexy na siya ulit?

“He’s just all over me. Kahit I am asleep na he makes kulit. Eh this is his property. Bahala siya. Another kid? After two or three years,” sabi ng beauty queen.

Jose at Wally, grabe ang naranasang pagod sa D’ Kilabots...!

Nag-showing na kahapon (Nov. 28) ang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! na pinagbibidahan nina Jose Manalo at Wally Bayola kaya naman sa premiere night ng movie held last Tuesday night, ayon sa huli ay nakahinga na siya nang maluwag.

“Nakahinga na kami kasi natapos na ang pelikula, natapos ’yung sakripisyo at kung paano naming pinagkasya-kasya ’yung mga oras ng schedule na Linggo lang naming nagagawa ang shooting dahil meron kaming ginagawa sa Barangay sa Eat Bulaga which is araw-araw ’yun at minsan sa probinsiya pa.

“So, ngayon, nakahinga na kami, natapos na, at eto na showing na. Nandito naman ’yung kaba na kumbaga, sana mag-click, at magustuhan ng mga tao itong ginawa namin,” sabi ni Wally.

Kahit comedy ang movie, ibinahagi ni Wally na marami rin silang hirap na dinanas habang sinu-shoot ang movie.

“Lalo na nung inabot kami ng oras na nagbabagyo. Meron kaming mga location na nagbaha. Dun sa shooting, ang bilis bumaha sa location. Akala namin, ‘ay hanggang tsinelas lang ’yan’. Maya-maya, hanggang tuhod na. So, tinigil ang shooting kasi may mga wire (na maaaring maging sanhi ng aksidente).

“’Tapos mahirap pagtagpu-tagpuin ang schedules dahil marami kami rito. One day, si Pokwang may ginagawang project, may taping sa kabilang istasyon. Kami, galing sa One For All… diretso ng shooting. Wala nang ligu-ligo, diretso hanggang umaga na naman. Buong Sundays talaga namin na dapat sa pamilya namin, isinu-shoot namin,” he said.

 

vuukle comment

BUONG SUNDAYS

CONTOURS ZENORA

DR. CLAUDINE ROURA

EAT BULAGA

JANICE

JOHN ESTRADA

JOSE MANALO

PRISCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with