^

Pang Movies

Pokwang may kinalaman sa kumpetisyon nina Jose at Wally

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wala na kaming masabi, dinagsa talaga ng fans ng comic duo nina Jose Manalo at Wally Bayola ang premiere showing kagabi ng D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! ng APT Entertainment. Isama pa sina Solenn Heussaff at Pokwang, at si Paolo Ballesteros, riot ang audience tuwing lalabas sila sa screen. 

Napanood sa movie, hindi lamang ang mga nakatatawang eksena kundi ang suporta rin ng mga kaibigang artista na naniniwala sa kakayahan nina Jose at Wally.  Mga bigatin nga ang mga special guest: Vic Sotto, Maricel Soriano, Roderick Paulate, Michael V, Allan K, German Moreno, at Aljur Abrenica na nang una siyang i-spoof ni Wally, sa halip na mainis ay na-amuse siya kay Jose kaya raw nang i-request siyang mag-guest sa movie ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Opening day na ngayon ng D’ Kilabots… in theaters nationwide, sa direksiyon ni Soxy Topacio. Alamin kung bakit tumanggi si Jose na halikan siya ng leading lady niyang si Solenn Heussaff at ano ang dahilan ng kumpetensiya ng magkapatid na Jose at Wally. Dahil nga ba kay Pokwang? 

Sarah nag-react, pamilya totoong may tirahan na sa Cebu

Nag-react si Sarah Labhati sa nasulat na bumili siya ng bahay sa Cebu para lamang suportahan ang ina ng love niyang si Richard Gutierrez, si Annabelle Rama na kandidato for congressman sa North District ng Cebu. 

Sa text niya sa amin, hindi totoong bumili sila ng bahay sa Cebu pero matagal nang may condominium unit ang family nila roon. Hindi pa niya kilala si Richard, may condo unit na sila dahil nag-open ang daddy niya ng dive shop doon. Kaya madalas na silang pabalik-balik ng Cebu kaya hindi problema kung doon man nila naisip ng mommy niya na magpa-register for the coming elections dahil first time niyang boboto.

Wala pang bagong soap na gagawin si Sarah pero nagsyu-shooting sila nina Richard at Solenn Heussaff ng Seduction sa Regal Entertainment, Inc. Last Monday evening, magkasama silang nanood ni Richard ng concert ni Jennifer Lopez.

Victor Aliwalas ginagamit sa babae ang pagka-Inglisero

Madali nga bang maka-attract ng girls ang mga lalaki who can speak fluent English o may mga nata-turn off din sa kanila kapag kahit Tagalog ang tanong, English ang sagot nila? Mamaya sa Mars nina Camille Prats at Suzy Entrata, special guests sina DJ Rico Robles, actor Victor Aliwalas na until now ay hirap pa ring mag-Tagalog, at si Kim Idol. Isi-share nila kung may advantage o disadvantage ang pagiging Inglisero. 

Mamaya na ito sa GMA News TV at 6:00 p.m.

           

 

 


 

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALLAN K

ANNABELLE RAMA

CAMILLE PRATS

CEBU

GERMAN MORENO

INGLISERO

SOLENN HEUSSAFF

VICTOR ALIWALAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with