^

Pang Movies

Pelikulang Sugo ng Iglesia tuloy na, pagbibidahan nina Bong, Albert at Richard!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakalkal pa rin ang isyu kina Direk Tikoy Aguiluz at Gov. ER Ejercito dahil sa filmfest entry nila last year na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story kaya natatawa na lang ang direktor nang tanungin siya sa press launch ng 2012 Cinemanila International Film Festival kahapon. Baby ng direktor ang festival na kahit walang malalaking artista gaya ng Cinema One Originals at Cinemalaya, tinatangkilik pa rin ito ng mahihilig sa indie movies.

Pero matapos ang kontrobersiya nila ni Gov. ER, patuloy pa ring gumagawa ng pelikula ang direktor. Isa na rito ang El Brujo na pinagsasamahan nina Jake Cuenca at Gerald Anderson.

“Then, meron akong dini-develop na project kay Mother Lily (Monteverde). Actually, sunud-sunod eh. May gagawin ako sa Sineng Pambansa. Pero the project I’ve been preparing on and will shoot next year…may presscon ako bukas na ino-organize ng Iglesia (ni Kristo) para sa one hundred years na anniversary nila. I’m doing a biopic on Felix Manalo. Ako ang magdidirek,” balita ni Direk Tikoy.

Ito ’yung Sugo na pagsasamahan ng malalaking ar­tista gaya nina Sen. Bong Revilla, Jr., Albert Martinez, at Richard Gomez.

“Gusto namin, epic talaga dahil tatlong generations ng Manalo ang kuwento nito. For 2014 ’yon. Dini-develop namin ang scripts for six months na eh. Hindi muna namin ini-announce hangga’t hindi maayos. Eh naayos na kaya bukas na ang presscon,” dagdag ng direktor.

Pagdating naman kay Gov. ER, ayaw na niyang pag-usapan ito dahil nakapag-usap na sila ng gobernador. Hindi na rin niya itinuloy ang kasong isinampa niya.

 “Tapos na ’yung demanda. Pero na-issue rin ang El Presidente pero hindi na ako magsasalita. Hahaha!” rason ng direktor.

Sa 2012 Cinemanila International Film Festival, magsisimula ’yon sa Dec. 5 hanggang Dec. 11 at sa Market! Market! Cinemas pa rin ito mapapanood. Gaya ng dati, suportado ng Taguig mayor na si Lani Cayetano ang naturang festival na hindi lang galing ng Pinoy ang mapapanood kundi maging ang matitinong movies sa ibang bansa gaya ng Amour.

Isang pares sa Amazing Race dumiskarte ng mali

Naadik kaming panoorin ang The Amazing Race Philippines recap tuwing Sunday. Hindi kasi namin napapanood ang daily episode nito kaya ’pag bakante kami ng Linggo, iyon ang pinanonood namin after ng The Million Peso Drop ni Vic Sotto.

Gaya last Sunday, eliminated na ang magkaibigang bombshells na friends na sina Dani at Michelle. Akala nga namin, mawawala na ang isang kalahok na nakakairita gaya ni Dani. Pero meron pa pala sa katauhan ni Kat na ang ka-tandem ay ang gym buddy niyang si Mark.

Kayan-kayanan ni Kat si Mark kahit na malaki ang katawan nito, huh! Nairita rin kami sa tuwing tatarayan niya ang gym buddy niya na buti na lang at pasensiyoso.

Sa race nila sa Bicol, matapos kumain ng halu-halo ang naunang pares, hindi nila agad nakuha ang clue. Talagang nagtanong sila kung saan makukuha ang clue at dahil sa kakulitan ni Kat, itinuro sa kanya ang tindahang nagbibigay ng clue matapos nilang kumain ng halu-halo. Para sa amin, mali ang diskarte na iyon.

Hindi kagaya ng tandem nina Jervi at Saida. Sinunod nila ’yung clues at natuklasan kung paano makukuha ang next clue. Nasa ilalim pala ang clue sa second bowl ng kinain nilang halu-halo.

Eh nagiging comic relief din si Jervi sa race. Lutang na lutang man ang kanyang kabaklaan, nandoon pa rin ang talino sa bawat challenge. Aba, si Jervi talaga ang nag-announce nang maihi ang kapares niyang si Saida sa putikan habang kumukuha ng alimango!

ALBERT MARTINEZ

AMAZING RACE

AMAZING RACE PHILIPPINES

ASIONG SALONGA STORY

BONG REVILLA

CINEMANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

JERVI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with