^

Pang Movies

Young actress naiipunan ng puting laway sa gilid ng bibig kapag nagsasalita

TSUPPATID - Letty Geli - Pang-masa

May isang young actress ang isang network na hindi kanais-nais na kausap. Nagwiwisik ng laway at kadiri kasi ’yung gilid ng bibig ay nagpopondo ng laway na kulay puti at malapot.

Dapat may magsabi sa kanya. Kami ba?

Dingdong pinapakalma ang sarili kapag kaeksena si LT

Ang lalim ng paghanga ang tumama kay Dingdong Dantes kay Lorna Tolentino sa ilang tapings nila sa Pahiram ng Sandali isang drama series ng GMA 7 na idinirek ni Maryo J. delos Reyes. Tipong na starstruck ang poging aktor sa beteranang aktres.

Sino ba naman ang hindi hahanga kay LT? Kesehodang biyuda na siya, feel pa rin ang kanyang asim na hindi puwedeng dedmahin. Very excited din ang aktres kay Dingdong na halos kalahati ang kanilang age gap. Kapareha rin ni LT si Christopher de Leon dahil ito ang asawa niya sa TV series kaya sa dalawang aktor siya may kissing scenes.

Balitang inaatake ng nerbiyos si Dingdong kapag kaeksena ang aktres. Pero say ni Dong, sinasanay na niya ang sarili na mapakalma kapag kaeksena na si Lorna.

TV5 maraming malaking pagbabago

Sa 2013 ay maraming malaking pagbabago sa TV5. Una na rito ay aayusin nila ang mga show, may aalisin lalo raw ’yung mababa ang rating, may papalitan, magre-reshuffle ng oras, magbabawas ng staff, at magre-recruit ng magagaling na writers at talents mula sa ibang network para sa ikagaganda ng mga programa ng Kapatid Network.

How true na si Wilma Galvante kuno ang assigned sa bibihisang network?

Naku, if ever na mangyari ang mga pagbabago sa TV5, baka maayos na rin ang mga signal sa mga lugar na hindi masyadong napapanood ang mga programa nila.

 

vuukle comment

BALITANG

DAPAT

DINGDONG DANTES

KAPAREHA

KAPATID NETWORK

KESEHODANG

LORNA

LORNA TOLENTINO

MARYO J

WILMA GALVANTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with