^

Pang Movies

Mabituing MBC national choral competition

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtatanghal ang ilan sa ating sikat na recording artist sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2012 MBC National Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Nyoy Volante ang mangunguna sa December 3, kasunod naman si Sabrina sa December 4.  Si Dingdong Avanzado, na kagagaling sa isang mata­gumpay na concert kamakailan, ang siya namang guest sa December 5, habang si Nina naman ang awit sa  December 6. 

Para sa grand finals ng December 7, magtatanghal ang Pinoy Pop Superstar year 3 runner-up na si Bryan Termulo at ang Little Big Star winner na si Anja Aguilar.

Forty four na batikang mga choir mula iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition.  P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open cate­gory, at P100,000 naman para sa children’s division

Ang 2012 MBC National Choral Competition ang siyang maglalatag ng daan para sa Sing n’ Joy Manila – ang international choral festival na binubuo ng MBC katuwing ng Interkultur Germany at Philippine Choral Directors Association para sa December 2013.

 

 

ALIW THEATER

ANJA AGUILAR

BRYAN TERMULO

INTERKULTUR GERMANY

JOY MANILA

LITTLE BIG STAR

MANILA BROADCASTING COMPANY

NATIONAL CHORAL COMPETITION

PHILIPPINE CHORAL DIRECTORS ASSOCIATION

PINOY POP SUPERSTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with