^

Pang Movies

Matapos ibuko ng anak ni Erap ang pagiging two timer: Andi biglang kinampihan si Jaclyn Jose!

ISYU AT BANAT - Ed Deleon - Pang-masa

Siguro nga masasabing talagang the end na ng relasyon nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Nagsabi na si Jake na ayaw na niya dahil iba na nga ang nararamdaman niya kay Andi. Kung noong una ay hindi siya nagsasalita nang diretso tungkol sa kanila, ngayon sa kanya pa mismo nagmulang nasaktan daw kasi ang mother niya nang malaman na sabay nga silang dalawa ni Albie Casiño na syota ni Andi.

Ngayon, siya na rin naman ang nag-volunteer ng information na talagang split na sila.

Mabilis namang nakasagot si Andi sa pamamagitan ng twitter. Sinasabi naman niya ngayon na ok lang, after all totoo naman ang sinabi ng ermat niyang si Jaclyn Jose sa interview.

Kami talaga, ang palagay namin diyan , noong araw na iyon ay mag­hapong magkasama ang mag-ina sa isang taping. Tapos nga may victory party para sa A Secret Affair. Hindi na nakarating si Andi sa victory party, kasi may tatapusin pa raw mga eksena. Pero nang dumating doon si Jacklyn, parang ready na siyang magsalita talaga. Parang may napag-usapan sila at galit na siya dahil ang feeling niya masyadong minamaliit ang kanyang anak.

Kung ang pakikinggan mo kasi ay ang tenor ng kanyang salita,  mahahalata mong naroroon ang pait, palagay nga namin awang-awa na si Jaclyn sa sitwasyon ng anak kaya ganoon.

Pinilit namang takpan iyon ni Andi pagkatapos. Mabilis siyang nag-apologize sa mga parents ni Jake through a friend at sa kanyang blogsite pero mukhang hindi na iyon pinakinggan ng mga magulang ng binata, at nang sabihin niyang gusto niyang makausap ang mother ng anak ni Erap, ang naging sagot nga raw ay “not now”. Maliwanag na ayaw na siyang pakinggan.

Nagsalita na rin ang tatay ni Andi na si Mark Gil. Sinasabi naman niya na iyon ay isang pribadong usapan, at dapat nga ay manatili na munang ganoon. 

Angel ayaw nang buhayin si Darna

Believe din naman kami talaga kay Angel Locsin. Habang sinasabi ng marami na walang ibang nababagay na gumawa ulit ng Darna kundi siya, sinasabi naman niya na baka mas mabuting ipagawa na iyon sa isang baguhan na magagawa nang mahusay at matutulungan pa ng kanyang pagganap sa character na iyon.

Inaamin ni Angel, malaki ang nagawa ng Darna sa kanyang career noong araw pa. At naniniwala nga siyang maraming mga baguhan ang nangangailangan ng ganoon ding chance para mapansin at sumikat, kaya sinasabi niya ibigay na lang sa iba ang role.

Ganoon pa man, maski na ang mga producers ay nagsasabing first choice pa rin nila talaga si Angel.

Dating sikat na hubadero baon sa utang sa matrona

Talagang datung ang mabigat na problema sa ngayon ng isang dating sikat na male bold star. Nangutang siya sa isang matrona, walang inte­rest ha, at alam na ninyo kung papaano, pero ang usapan babayaran pa rin niya ang inutang dahil napakalaking halaga nga noon. Ngayon nakabalik na siya mula sa pagta-trabaho sa abroad pero sinasa­bing wala rin siyang datung.

 

A SECRET AFFAIR

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

DARNA

JACLYN JOSE

JAKE EJERCITO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with