Bong tatalikuran na ang pagiging Kap
May sakripisyo sa part ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang pagtanggap niya ng isang historical epic, ang Indio dahil first time ito na gagawa siya ng isang proyekto na talagang paglalaanan niya ng oras. Pero siniguro niya, nang makausap siya pagkatapos ng contract-signing event niya, his 11th year na sa GMA Network, na hindi niya pababayaan ang kanyang trabaho bilang isang public servant.
In fact, malaki sa talent fee na tatanggapin niya ay mapupunta sa kanyang foundation na tumutulong sa maraming mahihirap. May nag-tweet nga na bakit pumipirma ng contract si Sen. Bong, nang ganoong oras (11 a.m., Nov. 20) na dapat ay nasa Senado siya? Nagsisimula pala ang session nila sa Senado ng 2 p.m. kaya free pa siya nang oras na iyon. Isa pa, tapos na rin niya ang shooting ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako with Vic Sotto and Judy Ann Santos. Dubbing na lamang at special effects, ready na sila for the coming Metro Manila Film Festival sa December.
Thankful si Sen. Bong sa ini-offer sa kanyang project na dapat na niyang gawin habang bata-bata pa siya at biro niya, “cute” pa, dahil iko-cover nito ang panahon from 1565 to 1600 sa panulat muli ni Suzette Doctolero na siyang nagbigay sa atin ng epic seryeng Amaya ni Marian Rivera. Magsisimula ito sa early 2013, his lucky number, at tatagal ng 20 weeks.
Kung tinatawag siyang “Kap” dahil sa Kap’s Amazing Stories, ready na siyang matawag na Indio dahil iyon ang tawag sa atin noong Spa-ߺºnish era. Nakatakda rin siyang mag-ikot sa bansa kung weekends para i-promote ang Indio.
Carmina ready na kung magkaka-anak uli ng kambal
Ready pa rin si Carmina Villarroel-Legaspi kung muli silang bibiyayaan ng husband na si Zoren Legaspi ng anak, kahit kambal muli tulad ng kambal nilang sina Mavy at Cassy.
Maraming kinilig, may mga napaiyak pa sa post-wedding lunch na handog ng bagong kasal sa mga entertainment press sa suporta nila sa kanila, nang ipalabas ang video ng proposal at wedding ceremony na inihanda ni Zoren sa tulong ng kanilang mga ma-nager na sina Dolor Guevarra at Shirley Kuan, ng ABS-CBN, at close friends na naitago nila ang preparation hanggang sa wedding day.
Nagpasalamat din si Carmina na hindi niya naranasan ang stress na usually ay pinagdadaanan ng ikakasal. Ang kabuuan ng kasal ay mapapanood sa Sabado, Nov. 24, after ng Maalaala Mo Kaya.
Regine inaalagaan na para sa repeat concert
Kami ang nahirapan sa paos na pagsasalita pa rin ni Regine Velasquez-Alcasid sa presscon ng Sexy Solutions (anti-plateau diet) na siyang ginamit ni Songbird na pumayat agad para sa katatapos niyang Silver concert sa SM Arena sa MOA last Nov. 16. Inalis nina Cristalle Henares at Nadine Tengco ng Belo Medical Group at ni Rachel Alejandro ng Sexy Chef na may kinalaman ang biglang pagpayat ni Regine kaya siya nawalan ng boses.
Virus na tumama sa kanya before the concert ang dahilan. Pero patuloy ang pag-aalaga ng doktor at ng Belo para matuloy ang repeat at gawing free ang concert ni Regine sometime in December sa tulong ni Dr. Vicki Belo.
- Latest