^

Pang Movies

Premyo nina Aga at Ruffa muntik nang ma-scam!

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Punung-puno ang Henry Lee Erwin Theater sa Ateneo University last Sunday evening at marami pang fans ang hindi nakapasok sa loob upang manood ng 26th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.

Ang importante, dumalo ang mga taga-TV industry, lalo na ang buong staff ng mga palabas na nominado at manalo. Deserving ang pagwawagi ng ABS-CBN bilang best station of the year. Sila talaga ang nagdulot ng mga pinakamagagandang palabas sa buong 2012 at ang dalawang sumunod na major networks, tunay na poor second and third lang.

Ibig sabihin nito, dapat kumuha ng nga bago at efficient na mga tao, lalo na sa creative department, ang GMA at TV5. May network kasing tila hindi nanghinayang na gumasta ng milyones kahit walang kuwenta ang mga show na ipapalabas nila.

Libreng medium ang telebisyon kaya’t kapag pangit ang inyong mga palabas ay madaling mag-switch ng channel sa remote control. Segundo lang o wala pa, naglalaho agad sa screen ang inyong walang katorya-toryang palabas.

Ang puna lang natin, bakit sobrang madaling-araw na nang ibigay ang tropeo sa mga child actor? Pero kahit dapat ay tulog na sila, full of energy pa rin sina Xyriel Manabat at ibang batang nominees. Nakasayaw pa sila ng Oppa Gangnam Style with the dancers in the production number bago ma-announce na si Xyriel ang best child performer for 100 Days in Heaven.

Sa nasabing dance portion, stand out si Mark Herras. Litaw na siya ang pinakamahusay sumayaw sa sobrang daming mananayaw sa stage at sa mga aisle ng teatro.

Muntik pang magkaroon ng scam sa pagbibigay ng star of the night prize. Bago kasi tawagin ang mga nagwaging sina Aga Muhlach at Ruffa Gutierrez, sinabing may P10,000 cash prize bukod pa sa mga gift certificate. Wala namang inabot kay Aga, kundi isang sobreng walang laman. Si Ruffa naman nakauwi na.

Buti na lang nandoon ang manager ng aktor na si Manay Ethel Ramos na siyang tumunton sa magic envelope. After a few minutes, ang producer ng show mismo ang lumapit kay Manay Ethel upang ibigay ang P10K at sinabing nagkamali lang na sobreng walang laman ang ibinigay kay Aga!

Tiyak na kung wala roon si Manay Ethel na naghagilap sa disappearing cash prize, uuwing luhaan ang nagwagi. Sa maliit na halaga nagkakaroon pa ng kontrobersiya ang isang show na milyones naman ang halaga ng commercial load!

JLo hindi maghihintay sa mga magpapa-late sa concert

Tuloy na tuloy ang Dance Again World Tour concert ni JLo (Jennifer Lopez) sa SM Mall of Asia Arena on Nov. 26, Monday. The show starts promptly at 8 p.m. kaya dapat ang mga bumili ng very expensive tickets ay nandoon na sa venue bago mag-alas otso.

Ang mga mahilig sa dramatic entrance, hindi kayo hihintayin ni JLo, sayang naman ang pera ninyo kung pagdating ninyo ay malapit nang matapos ang palabas.

Regine naghahanda na sa Dec. 8 repeat concert

Ang Silver live concert ni Regine Velasquez to celebrate her 25 years as the leading female singer was such a humbling experience. Tunay na kahit ikaw na ang pinakamahusay kumanta, ang reyna na tila walang kapantay, tao pa rin na puwedeng mangyari ang hindi inaasahan. Nawala nga ang kanyang boses due to an infection noong Biyernes at hindi siya nakakanta ng maayos. Nakakahabag na pangyayari para sa isang Regine.

Nangako siyang magkakaroon ng repeat show at libre na ang mga nanood that night kaya kailangang itago ang mga ticket. Sana fully recovered na ang voice ni Reyna Regine sa Dec. 8, na repeat ng show.

AGA MUHLACH

ANG SILVER

ATENEO UNIVERSITY

DANCE AGAIN WORLD TOUR

HENRY LEE ERWIN THEATER

JENNIFER LOPEZ

MALL OF ASIA ARENA

MANAY ETHEL

MANAY ETHEL RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with