^

Pang Movies

KC walang pakialam, palaban sa pagbo-bold!

MASA....RAP - Pang-masa

Gulat na gulat si Manay Ethel Ramos, ang katabi ko sa Skye Lounge ng W Building sa The Fort sa Taguig City, ang venue ng media launch ni KC Concepcion as the 2013 Tanduay Rhum Calendar Girl habang pinapanood namin ang curtain raiser na sexy dance number ng anak ni Sharon Cuneta sa very revealing na see-through lace costume ng singer/actress/TV host/commercial model-endorser. Pati sa kanyang sexy moves, very confident si KC at tila walang pakialam. Handang-handa siyang makilala sa kanyang mapangahas na bold image!

Kaya naman pala siya con todo confiansa, proud siyang maging endorser ng Tanduay na ang 158 years of existence ay nagbigay sa ating bansa ng maraming gold medals sa Monde Selection, ang latest ay ang apat na napanalunan this year.

‘‘Tanduay won’t let you down,’’ paniniyak ni KC. “Ang masarap na burnt caramel taste nito ay pleasant inumin. Basta laging tandaan to drink in moderation.’’

Noong nasa Paris, France si KC upang mag-aral kumuha rin siya ng bar tendering lessons kaya’t sanay siyang magtimpla ng iba’t ibang masasarap na drinks and cocktails. That night sa Skye, nagpakitang gilas si KC at nagtimpla ng isa sa mga favorite niyang cocktails na may halong Tanduay at iba’t ibang fruit juices.

Tinawag ni KC na KC’s Kaleidescope ang ginawang drinks. Lahat kami nakatikim ng tig-isang cocktail glass. Super sarap. Swabeng inumin at very smooth sa lalamunan. Kapag nagtayo ng isang restobar si KC, puwedeng siya ang maging chief bartender.

Ang mga sexy pose niya sa calendar, sexy pero disente. Kahit pala may ipinakitang higit ang skin ang singer/actress sa mga pictorial, disente pa rin ang dating. Masasabing hindi naman siya binastos ng Tanduay. Pareho silang nagtulungan ng produkto sa pagpapakita ng kanya-kanyang katanggap-tanggap na image.

Ang Tanduay meron ng inilabas na Tanduay 5 Years, Tanduay Light, at Tanduay Cocktails tulad ng Mojito, Margarita, at Strawberry Daquiri.

Demanda ng beauty doctor

sa endorser na beauty queen-actress na lumamon nang lumamon hindi na tuloy!

Inaasahan na magkakaroon naman ng out-of-court settlement ang isang expert beauty doctor at ang kanyang endorser na beauty queen/actress. Nagdemanda na kasi ang doktora dahil sa hindi pagsunod sa napagkasunduang kontrata nilang dalawa.

Naging pasaway kasi sa pagkain ang modelo kaya’t naging overweight, na kasiraan sa kanyang produktong inaanunsyo. Mahirap naman kasing magpa-slim ng husto lalo’t napapasarap ang pagkain.

Lea kinabiliban ni Anne Hathaway sa pagganap sa Les Miserables

Pinuri ng Hollywood actress na si Anne Hathaway sina Patti LuPone at Lea Salonga bilang mahuhusay na singers with full-bodied voices sa kanilang pagganap ng Fantine sa Broadway musical na Les Miserables. Si Anne kasi ang gumaganap sa nasabing role sa movie version.

Kaya’t sinabi niyang hindi niya kaya ang husay sa pagkanta ng dalawa, pati ng kanyang sariling ina, na naging Fantine rin sa stage edition ng musical adaptation ng nobela ni Victor Hugo.

Si Lea naman, agad nagpasalamat kay Anne sa kanyang Twitter account.

ABS-CBN naka-6 nominations sa Asian Television Awards

Anim na nominations ang tinanggap ng ABS-CBN sa kabuuang 13 nakuha ng Pilipinas sa 17th Asian Television Awards on Dec. 6 sa Singapore.

Nominated as best news program ang Bandila, Sendong’s Wrath; best music program, ASAP Rocks (Gives Back); best talk show, The Bottomline, Boy Abunda; best current affairs presenter, Korina Sanchez for Rated K; best actor in leading role for Coco Martin in Maalaala Mo Kaya; and best actress in a leading role for Sharlene San Pedro in Maalaala Mo Kaya.

vuukle comment

ANG TANDUAY

ANNE HATHAWAY

ASIAN TELEVISION AWARDS

BOY ABUNDA

COCO MARTIN

FANTINE

LES MISERABLES

MAALAALA MO KAYA

TANDUAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with