^

Pang Movies

Sharon aminadong nawala sa sarili, nakalimutang Megastar

Maryrose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very vocal si Sharon Cuneta sa kanyang nararamdaman lalo na kapag involved na ang kanyang pamilya. Handa siyang lumaban at ipagtanggol kapag ang mga mahal na niya sa buhay ang sangkot. Kamakailan ay sumabog na naman siya dahil sa pagpatol sa kanyang mga basher sa Twitter.

Pinuntirya raw kasi ng mga tweet si KC Concepcion at mismong ang kanyang pamilya. At bilang nanay, hindi raw niya napigilan ang sariling ipagtanggol sila.

 “When you become a mother, it is a spiritual and emotional commitment to your children.

“I-protect sila, ipagtanggol, ipaglaban... Sawang-sawa na ako sa pang-aabuso ng ibang tao kahit nananahimik ako,” depensa pa nito.

Naiiyak pa ring sabi ni Sharon, “Masakit man ’yung mga tini-tweet nila, mas masakit ’yung nagsisi ako dahil sumagot ako... Parang pumatol ako, na nabigay ko ’yung gusto nila, I felt worse.”

Samantala, sa episode ng Sharon, Kasama Mo Kapatid na lumabas noong Lunes, ipinagdiinan pa rin ng Megastar na ipaglalaban niya talaga ang karapatan nila — lalo na ’pag damay ang pangalan ng kanyang mga anak at asawa.

 “Tsaka higit sa lahat, pasensiya na kayo kasi alam ko kapag artista… ’di ba may expectations sa artista? Alam n’yo siguro, sabihin na natin na wala ako sa sarili ko. Nakalimutan ko po na ako’y tinatawag ninyong Megastar.

“Kasi, first and foremost, isa po akong ina, isa po akong asawa, isa po akong anak. Ako, sabihin n’yo na po lahat ng gusto ninyong sabihin sa akin — pero huwag na huwag na huwag si KC. Huwag si Frankie. Huwag si Miel. Huwag si Miguel kasi ipagpapatayan ko talaga.

“Lahat ng ina, gagawin ’yun para sa mga anak. Pero talaga po, pagpasensiyahan n’yo na ako. Ayaw na ayaw ko na pong maulit ’yung ginawa ko. Nagpaapekto po ako sa mga tweet na ’yan.

“Ang pagkakamali ko, mahal ko masyado ang mga anak ko. Siguro nga, ’yun ang kasalanan ko — mahal na mahal ko ang mga anak ko,” humahagulgol na pahayag pa ng Megastar sa kanyang TV5 show.                                                                                                           

AKO

ALAM

HUWAG

KASAMA MO KAPATID

MEGASTAR

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with