^

Pang Movies

Aktor na nahihilig manira, binibilangan na ng araw ng TV execs

MASARAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit sino kinaiinggitan ng isang artista. Iba ang gawain niya kapag naapektuhan ng inggit. Sa halip na higit na magsikap, sinisiraan niya ang mga kinaiinggitan.

Ikinalat niyang banned sa isang network ang batikang aktor, imposible dahil paborito ang artista ng mga top executive sa network. Ang isang aktor na binigyan naman ng role na gusto niyang makuha, ipinamalita niyang kabit ng isang influential gay, kaya nabigyan ng magandang role.

Hinihintay lang pala ng network bigwigs na mag-expire ang kanyang kontrata at tsugi na siyang bigla. Sa ngayon kailangang pagtiyagaan niya ang maliliit na supporting roles para kumita.

New Wave sa MMFF malaking tulong

Malaking tulong ang New Wave ng Metro Manila Film Festival (MMFF) upang higit na maging malawak ang pagtangkilik sa mga Pinoy indie film. Naging annual addition na ito sa MMFF at patuloy na dumarami ang mga nanonood ng mga napipiling limang kalahok, taun-taon.

Sa 2012 MMFF, ang mga full-length entry ay ang Ad Ignoratian ni Armando Lao, Gayak ni Ronaldo Bertubin, In Nomini Matris ni Will Fredo, Paglaya sa Tanika ni Michael Angelo Dagnalan, at The Grave Bandits ni Tyrone Lacierto.

Karamihan sa mga artistang lumabas sa limang pelikula, hindi pa gaanong kilala o mga baguhan. Lahat naman sila mahuhusay umarte at akma ang pagganap sa mga pambihirang istorya at katangi-tanging pelikula bihira natin makita sa mga mainstream movie.

Ang tiyak, ilan sa kanila ay magwawagi sa mga international film festival. Sa isang taon, mag-uuwi sila ng mga karangalan para sa ating bansa.

Sa walong official entries sa main division, tatlo ang tiyak na hahataw sa takilya, Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, Shake, Rattle & Roll 14 at Sisteraka. Horror din ang The Strangers tulad ng Shake…. kaya’t may hatak din ito sa box office.

Kakaiba naman ang genre ng El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story, kaya’t ito ang dark horse sa laban ng magiging top grosser. Ang Thy Womb naman na bida si Nora Aunor, inaabangan na ng Noranians. Kung susugod sila na in full force sa mga sinehan, nagbibigay ito ng malaking sorpresa sa festival.

Duda lang kami sa Sossy Problems na maaaring magkaroon ng problema sa takilya at maging pang-walo sa eight entries.

Kahit nakakabit na ang tawag na bading Paolo Ballesteros isa sa mga crush ng bayan

Mula sa angkan ni National Artist for paintings na si Fernando Amorsola si Paolo Ballesteros. Bale apo siya sa tuhod ng yumaong pintor dahil ang kanyang great grandfather ay pinsang buo ng great painter na pati sa ibang bansa ay nagwagi ng parangal at kinilala ang kanyang mga obra.

Sabi nga ni Jose Manalo na isa sa mga bida sa D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh!?, mahusay ding magpinta si Paolo at tiyak na magiging sikat na painter kung magko-concentrate sa gawaing ito.

Kahit palaging beki ang role ni Paolo sa mga pelikula, tulad ng papel niya bilang bading na assistant ni Jose sa D’ Kilabots, marami pa ring ayaw maniwalang kafatid nga si Paolo. Kahit harapan niyang aminin na hindi naman siya nagagalit kapag tinawag na bakla, ayaw pa rin tanggapin ng iba na mujerda ang aktor.

Inamin naman niya, nagkaroon siya ng maraming girlfriends pero wala siyang steady ngayon. Ikinaila naman ni Paolo na nanligaw siya Rkay Toni Gonzaga, although, naging very close silang dalawa.

Gamay na niyang makasama sina Jose Manalo at Wally Bayola dahil sila ang araw-araw na co-host ng All For Juan, Juan For All portion sa Eat Bulaga.

Ang sikreto ng stay ng power ni Paolo, humility o kababang-loob. Kaya naman higit na dumarami ang kanyang fans na chicks at mga kabataan.

Kahit tuksuhin siyang bading, si Paolo Ballesteros ay isa sa mga popular na crush ng bayan.

AD IGNORATIAN

ALL FOR JUAN

ANG THY WOMB

JOSE MANALO

KAHIT

NAMAN

NEW WAVE

PAOLO

PAOLO BALLESTEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with