Pia balik Bulaga, pauleen nakipagkita!
MANILA, Philippines - Balik-Eat Bulaga si Pia Guanio nung Lunes matapos ang ilang buwang bakasyon sanhi ng panganganak sa panganay niyang si Baby Scarlett. Nagbahagi ng ilang kaganapan si Pia sa anak na aniya ay masungit kung minsan.
Pero sa kabuuan, ramdam na ramdam niya ang pagiging isang ina na hindi rin niya maipaliwanag ang feeling. For sure, bukod sa Bulaga, babalik na rin si Pia bilang Chika Minute girl sa 24 Oras.
In fairness, pumasok naman si Pauleen Luna last Monday. Napanood pa namin siya sa isang segment ng programa. Hindi nga lang namin alam kung magkasama sila sa isang room ni Pia, huh!
Kasali sa New Wave section ng MMFF lima na
Star-studded muli ang launching ng 38th Metro Manila Film Festival kahapon sa Annabel’s restaurant sa Quezon City. Siyempre pa, present si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kasama ang bumubuo ng executive committee.
Represented din ng mga artista ang walong opisyal na entries mula sa mainstream category gaya ni Nora Aunor ng pelikulang Thy Womb at El Presidente. Nandoon naman sina Oyo Sotto, Jolo Revilla, at Gwen Zamora bilang representative ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako; Bianca King ng Sossy Problems; at Mayor Herbert Bautista ng Shake, Rattle & Roll IV.
Wala pa si AiAi delas Alas na mula sa pelikulang Sisteraka dahil hindi siya kasama sa list ng lead actress ng pelikula sa press release na pinamigay, at si Gov. ER Ejercito ng pelikulang El Presidente. Ilan pa sa opisyal na kahalok ay ang One More Try nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Angel Locsin, at Angelica Panganiban. Bida naman sa The Strangers sina Julia Montes, Enrique Gil, JM de Guzman, at Enchong Dee.
Ang significant sa 38th MMFF ay ang pagkakaroon ng New Wave section full-length na may five official entries. Ang mga kalahok na magwawagi ng P300,000 ay ang Ad Ignoratium nina Kristoffer King at Ina Feleo; Gayak nina Allan Paule at Sef Cadayona; In Nomine Matris nina Liza Dino at Biboy Ramirez; Paglaya sa Tanikala ni Matteo Guidicelli; at The Grave Bandits ng ’di kilalang sina Marti Sandino San Juan, Ronald Pacifico, at Jill Palencia.
Bilang hindi talaga singerSikat na aktor tumangging makasama ang acoustic singer
Tinanggihan ng sikat na aktor na makasama sa isang production number ang isang acoustic singer sa isang palabas. Feeling ng aktor, hindi naman siya tunay na singer, so, bakit nga naman siya isasabak sa pormal na kantahan?
Dahil sa pagtanggi ng aktor, nabago tuloy ang takbo ng palabas sa programa. Isinama na lang ang aktor sa isang segment kung saan katatawanan ang konsepto.
Samantala, binigyan na lang ng solo spot ang totoong singer nang hindi naman masayang ang pagpunta niya sa palabas.
- Latest