^

Pang Movies

Gay actor/TV host in love sa contestant ng isang reality show

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Handa nang magmahal ang isang gay actor/TV host at isang contestant ng reality show ang kanyang napupusuan.

Madalas na nakikita na magkasama ang da­lawa. Ang gay actor/ TV host ang palaging nagkakaray sa mhin sa mga party na kanyang pinupuntahan.

Malaki ang tsansa na magkaroon sila ng relasyon dahil naniniwala ang mga tao sa kanilang paligid na kapwa mhin din ang type ng reality show contestant. Off-cam, malambot kumilos ang contestant pero nagiging lalaking-lalaki ang kanyang drama kapag nasa harap ng mga TV camera.

Ang mga tipo niya ang weakness ng gay actor/TV host na naka-experience na rin noon na makipag-affair sa mga mhin na questionable ang kasarian.

Wizard of Oz pambato sa first birthday ng apo ni LT

Thank you sa aking inaanak na si Rap Fer­nan­dez dahil pinadalhan niya ako ng mga give­away mula sa birthday party ng kanyang anak na si Lyla Victoria aka Tori.

Hindi ako lumalabas ng bahay tuwing Linggo kaya hindi ako nakapunta sa first birthday ce­le­bration ng anak ni Rap at apo ni Lorna Tolentino.

Hindi man ako nakasipot, ipinadala sa akin ni Rap ang mga giveaway para sa adult guests sa birthday ni Tori. Na-appreciate ko ng todo ang sweetness ng aking inaanak.

Si LT ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita ni Rap at ng partner nito na si Leana Yap. Proud na proud si Rap dahil idea lahat ni Leana ang bonggang party ng kanilang anak. Nag-enjoy ang mga bagets at ang oldies na bisita sa panonood sa musical play na Wizard of Oz na may kahabaan pero hindi raw nakakainip panoorin.

Sunud-sunod ang mga birthday party ng mga bagets na may relasyon sa aking mga ta­lent.

Nauna nang magdiwang ng birthday si Sabine, ang apo ni Amy Austria. Sumunod na nag-celebrate ng birthday ang mga anak ni Alfred Vargas na sina Alexandra at Aryana.

Noong Linggo ang birthday ng apo ni LT at sa Nov. 25 ay ang anak naman nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez ang magdiriwang ng unang kaarawan.                                           

Anak ni Princess Revilla nagpaparamdam na

Introducing sa Si Agimat, Si Enteng at Si Ako si Anton Ocampo, ang anak ni Princess Revilla.

Dumalo kahapon si Anton sa presscon ng 2012 Metro Manila Film Festival at ito ang first public appearance niya bilang artista. Interesado ang isang major TV network na papirmahin ng exclusive contract si Anton pero mag-uusap pa sila ng kanyang madir na may say din sa pagpapatakbo ng kanyang showbiz career.

Muntik nang maging contestant noon si Anton ng Pinoy Big Brother (PBB) pero nag-back out siya. Kung itinuloy ni Anton ang pagsali sa PBB, tiyak na may name na siya ngayon sa showbiz.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

AMY AUSTRIA

ANAK

ANTON

ANTON OCAMPO

BIRTHDAY

PRINCESS REVILLA

WIZARD OF OZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with