Na-survive ng mag-pinsang Georgina Wilson at Isabelle Daza ang ordeal sa pagdaan ni hurricane Sandy sa New Jersey at New York last week. Excited pa naman si Georgina na magbakasyon at makasama ang relatives nila roon after niyang mai-launch as the new calendar girl ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) for 2013. Hands-on kasi si Georgina sa launching sa kanya matapos niyang malaman kung ano ang concept ng calendar. Siya mismo ang naghanda ng mga ginamit niya sa photo shoot nila ni Marc Nicdao katulong ang sylist na si Pam Quinones.
Thankful si Georgina na siya naman ang napiling 2013 Calendar girl at tinagurian nang certified Lahing Ginebra. Last year kasi ang best friend niyang si Solenn Heussaff ang calendar girl ng GSMI. Hindi naman bago kay Georgina ang pagiging product endorser tulad din ng pagho-host niya ng shows both in cable and free TV. Ngayong balik na sila ni Isabelle sa bansa, balik na rin siya sa work niya as a celebrity video jockey on Channel V International at Channel V Philippines at sa pag-i-endorse ng 2013 Calendar ng GSMI na available na sa mga Mini-Stop and 7-Eleven outlets ngayong November.
Fans ng Coffee Prince magpe-petisyon sa Kapuso Network
Kahit kapatid ni Aljur Abrenica ang first Best Actor winner ng Artista Academy na si Vin Abrenica, para sa fans ay mas guwapo pa rin ang kuya nito at kinikilig sila sa panonood ng Pinoy adaptation nila ni Kris Bernal ng Coffee Prince. Totoo naman, ang daming anggulo ni Aljur sa rom-com series na hahangaan mo siya talaga.
At kita rin ang chemistry nila ni Kris kaya naman galit ang fans kay Arlene (Max Collins) dahil pinipilit nitong agawin ang atensiyon ni Arthur (Aljur) kay Andie (Kris) kahit pa may boyfriend naman siya, si Errol (Benjamin Alves).
Kaya kung ang mga tagahanga ang masusunod, ayaw pa nilang matapos ang show ng kanilang mga idolo. Magpi-petisyon sila sa GMA Network para i-extend ito pero mukhang malabo nang mangyari dahil hanggang Nov. 23 na lamang sila mapapanood, after ng Temptation of Wife.
Sandra Aguinaldo dumayo sa tribong Molbog na hindi kilala pati ang presidente ng bansa
Congratulations to I-Witness sa pagsi-celebrate nila ng 13 years ng pagbibigay ng mga makabuluhang documentaries na talagang ginagastusan at pinaghihirapan ng kanilang hosts. Kagabi ay napanood ang Lihim ng Kanluran, ang first of the four episodes ng show.
Hosted by Sandra Aguinaldo, nilakbay niya ng 12 oras ang Balabag Island ng Molbog tribe sa Palawan na ang GMA TV pa lamang ang unang network na nakarating doon. Dumaan si Sandra sa isang snake and crocodile infested swamp.
Pero sulit naman pagdating sa Balabag dahil napakaganda ng lugar na na-preserve ng mga Molbog. Wala silang mga doktor doon at wala silang alam sa pulitika. Hindi nga nila alam kung sino ang pangulo ng bansa ngayon. Abangan ang tatlo pang episodes na mapapanood every Monday for the month of November.