Bea ayaw makabangga si Barbie
Parehong nagulat sina Bea Binene at Barbie Forteza sa nasulat na may away sila sa isa’t isa at hindi nagpapansinan sa Party Pilipinas. Last nag-appear si Barbie sa show ay two weeks ago nang mag-promote sila ni Derrick Monasterio ng bago nilang drama series na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa kaya hindi sila magkasama ni Bea the following Sunday at may promo sila ng soap sa Vigan at Abra, Ilocos Norte.
Ayon naman kay Bea, nag-uusap sila ni Barbie at busy din siya sa taping ng first morning drama ng GMA Films for TV, ang Cielo de Angelina. Kaya pakiusap na lamang niya, sana ay huwag silang pag-awayin ni Barbie at huwag gamitin iyon to promote their drama series.
Thankful si Bea dahil sa pagtaas ng rating ng kanilang soap at sa pag-appear sa show ni Ms. Gloria Romero.
A Secret Affair ililibot sa ibang bansa
Bongga ang Viva Films! Sa victory party nila for the success sa box-office ng movie nilang A Secret Affair, hindi secret ang pagpapasalamat nila sa mga sumuporta sa kanila tulad ng entertainment press. Maagang dumating sina Direk Nuel Naval, scriptwriter Mel Mendoza-del Rosario, dumating din si Johnny Revilla at Jaclyn Jose na nagsabing hindi makakarating ang anak na si Andi Eigenmann dahil hindi makaalis sa taping.
Maging si Derek Ramsay ay hindi nakarating na may trade launch at si Anne Curtis ay sandaling-sandali lang dahil paalis papuntang Amerika. Pero after i-announce na kumita na sa box office ng may P100 million in six days ang movie, nagpa-raffle na sila ng Swatch watches, cash prizes, Cherry Mobile cellphones, at paalis na kami ay may additional raffle prizes pang dumating. Salamat dahil winner kami ng isang Cherry Mobile cellphone with TV.
Nagsimula na ang international screening ng A Secret Affair sa Saipan at susundan ito ng showing on Nov. 2 sa Cinemark Century 25, San Francisco at Cinemark Stadium 25, Orange, Los Angeles na parehong sa California. Nov. 8, Vox Cinemas Deira City and Cinemas Mirdiff City Centre, Dubai at Vox Cinemas Marina Mall, Abu Dhabi sa Middle East. Sa Nov. 9 ay sa AMC Plaza, San Diego at sa Krikorian Buena Park Metroplex 18, sa California; AMC Ontario Mills 30, Canada; AMC Rainbow Promenade 10, Las Vegas, Nevada; at AMC Loews Fountains 18, Stafford, Texas; AMC Empire 25, New York; AMC Village Crossing 18, Skokie, Chicago; AMC Southcenter 16, Seattle, Washington; MC Regency 24, Florida; AMC Loews Theaters Rio Cinemas 18; Gaithersburg, Maryland; AMC Hoffman Center, Virginia; AMC Lynnhaven, Virginia; at Micronesia Mall, Dededo, Guam.
- Latest