^

PSN Showbiz

Mag-aaral gumawa ng kanta

PARINIG NGA - Lanie M. Sapitanan -
Nakakatuwa namang malaman na isa nang bankable ngayon ang in demand comedian na si Vhong Navarro, na Ferdinand Navarro sa tunay na buhay.

Kamakailan lang, naging blockbuster ng taon ang movie niyang D’ Anothers. Isa rin siya sa pambato ng top-rating show ng Wazzup Wazzup’. Si Vhong din ang kumanta ng bagong jingle ng radio station na WRR 101.9.

Matagal na rin naman si Vhong sa showbiz. Twelve years bilang original member ng Street Boys, at nine years naman sa movies at TV.

"Pag gising ko nga sa umaga, lagi akong nagpapasalamat sa lahat ng mga magagandang bagay na nangyari sa career ko. Sobrang tuwa ko talaga," sabi ni Vhong.

Pero alam n’yo ba na sa kabila nang pagpapatawa ni Vhong ay mayroon din siyang soft spot? Hindi niya mapigilang hindi malungkot kapag napag-uusapan ang kanyang dalawang anak, isa kay Bianca Lapuz at isa sa non-showbiz girl.

"Pagdating kasi sa mga anak ko, hindi ko maiwasan na maging emotional. Alam ko kasi na marami akong pagkukulang sa kanila," kuwento ni Vhong.

Produkto rin kasi si Vhong ng broken marriage. Kaya alam daw niya ang lungkot ng isang batang walang kinagisnang tatay. Pero hindi ito naging hadlang kay Vhong para magsikap sa buhay.

"Sa bawa’t paghihiwalay kasi ng mag-asawa laging may dalawang kwento, at lagi ring nagtuturuan ng kung sino ang may kasalanan. Kaya ako na lang ang umiintindi sa mga magulang ko. Hanggang sa matutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa," paliwanag nito.

Isang tambay lang si Vhong nang pumasa siya sa audition ng Street Boys noon. Hindi naman daw talaga siya marunong sumayaw. Nakita raw niyang magagaling yung mga kasabayan niya, pero dinaan lang daw niya sa patambling-tambling kaya siya nakuhang dancer.

At ngayong certified hit singer na siya, hindi na niya kailangang uminom pa ng alak para pampalakas ng loob.

Mas confident na siya ngayong kumanta.

Sa susunod, susubukan naman ni Vhong na mag-compose ng sarili niyang kanta.

"Lahat naman ng bagay napag-aaralan kapag binigyan mo ng panahon," pangako ni Vhong.

Nakakaaliw yung mga lyrics ng kanta ni Vhong sa kanyang selftitled album ang "Vhong Navarro: Don Romantiko." Bukod sa magaganda pa yung melody ng mga songs.

Naglalaman ito ng anim na kanta "Cha-Cha-Cha," "Tag-ulan," "Minamahal Kita," "Kasama Kang Tumanda," at "Magandang Umaga" ng Bestfood na release ng Star Records.

vuukle comment

BIANCA LAPUZ

DON ROMANTIKO

FERDINAND NAVARRO

KASAMA KANG TUMANDA

KAYA

MAGANDANG UMAGA

STREET BOYS

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with