South Border may Araneta concert
August 10, 2004 | 12:00am
Tinanggap last Sunday sa SOP ng South Border ang gold record award sa bago nilang album na South Border Episode III na less than a month palang nai-launch.
Kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng major concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Sept. 17, na pinamagatang South Border episode III the Show.
Bagamat group ef-fort ito, hindi ikinakaila ng mga miyembro na malaki ang hatak ng dalawa nilang bagets na vocalist na sina Duncan Ramos at Vince Alaras.
"Hindi po. Ang totoo niyan mas marami akong natutunan sa grupo. Like before I just sing, pero ngayon nananamnam ko na ang mga kanta. Mas confident na rin ako ngayon dahil wider na ang natutunan kong music dahil sa banda," paliwanag ni Vince na excited sa kanilang major concert dahil first time nilang kumanta sa mas malaking venue.
Tinitiyak ng South Border na magugustuhan ng kanilang fans ang kanilang concert dahil talaga raw pinag-aralan nila itong mabuti.
Acoustic music ang in sa kasalukuyan. At para makasabay sa uso, ang Alpha Music ay naglabas ng OPM acoustic album na siguradong magugustuhan ng mga tagapakinig pinamagatang Acoustic Light, ang nasabing album na nagtatampok sa Alpha music from past at present hitmakers.
Ang Acoustic Light ay naglalaman ng 15 tracks na naging perennial favorites tulad ng Another Rainy Day ni Aiza Seguerra, True Love ni Randy Santiago, Sana Naman ni Richard Reynoso, Fallin ni Rica Peralejo, Di Mo Man Hanapin ng Article Six, Hiling ng Retrospect, Mahal ng Big Men, Ikaw Lamang ng Krausswind, Sulat ng Moonstar88, Tulala ng Cover Me Quick, Saying Goodbye" ng Bent, Girl ng Immaculate at Tabing Ilog ng Barbies Cradle.
Ang album ding ito ay natatampok sa mga awiting Paalam Na ni Rachel Alejandro at You Will Always Be ni Shirley Fuentes, dalawa sa mga popular songs na hindi commonly available sa ibang acoustic albums. Ang Acoustic Light ay mabibili na sa high grade cassette at CD sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa.
Kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng major concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Sept. 17, na pinamagatang South Border episode III the Show.
Bagamat group ef-fort ito, hindi ikinakaila ng mga miyembro na malaki ang hatak ng dalawa nilang bagets na vocalist na sina Duncan Ramos at Vince Alaras.
"Hindi po. Ang totoo niyan mas marami akong natutunan sa grupo. Like before I just sing, pero ngayon nananamnam ko na ang mga kanta. Mas confident na rin ako ngayon dahil wider na ang natutunan kong music dahil sa banda," paliwanag ni Vince na excited sa kanilang major concert dahil first time nilang kumanta sa mas malaking venue.
Tinitiyak ng South Border na magugustuhan ng kanilang fans ang kanilang concert dahil talaga raw pinag-aralan nila itong mabuti.
Ang Acoustic Light ay naglalaman ng 15 tracks na naging perennial favorites tulad ng Another Rainy Day ni Aiza Seguerra, True Love ni Randy Santiago, Sana Naman ni Richard Reynoso, Fallin ni Rica Peralejo, Di Mo Man Hanapin ng Article Six, Hiling ng Retrospect, Mahal ng Big Men, Ikaw Lamang ng Krausswind, Sulat ng Moonstar88, Tulala ng Cover Me Quick, Saying Goodbye" ng Bent, Girl ng Immaculate at Tabing Ilog ng Barbies Cradle.
Ang album ding ito ay natatampok sa mga awiting Paalam Na ni Rachel Alejandro at You Will Always Be ni Shirley Fuentes, dalawa sa mga popular songs na hindi commonly available sa ibang acoustic albums. Ang Acoustic Light ay mabibili na sa high grade cassette at CD sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended