Kai & The Boxer plus Shanna H.
August 3, 2004 | 12:00am
Matagal na palang alam ng grupo ni Gladys Guevarra sa Gladys & the Boxers na gusto na nitong humiwalay sa kanila. Maayos naman daw ang paghihiwalay nila. Kaya hindi na nagulat ang mga kasamahan ni Gladys na almost seven years din niyang nakasama nang tuluyan na niyang layasan ang mga ito.
Ngayon nga ay tinawag nila ang grupo ng Kai and the Boxers na binubuo nila Kai Brosas, Cris Samonte at Daniel Lardizabal. Ngayon ay may bago silang myembro na isa sa finalists ng Star In A Million na si Shanna H. Hife.
Ang unang naapektuhan ay si Kai nang mawala si Gladys, nahirapan daw siya dahil nawalan siya ng kabatuhan ng mga jokes.
"Before kasi pigil ako nung kasama pa namin si Gladys. Because I gave her the floor. But now its all mine. At mahirap yun," paliwanag ni Kai na wala namang angal dahil natural na rito ang pagiging komedyante sa harap o likod ng stage. "Buhay ko na kasi ang pagpapatawa. Wala ngang maniniwala ka-pag seryoso ako. Pero kahit tumatambling na ako sa pagko-comedy pero kapag kumanta naman ako, nasa puso," dagdag ng singer-comedienne.
Si Cris (singkit) ay medyo bago rin sa grupo pero galing na siya sa isang banda. Siya yung nag-rap ng "nanay, tatay gusto ko ng tinapay..." sa kanta nilang "Sasakyan Kita". Sa kanya kasi nakatoka ang mga rap songs at pati na rin ang mga love songs. Kaya nga siguro na in-love sa kanya si Yvette ng Sex Bomb dahil sa mala-bedroom voice nito. Noon kasi ay magkasama sa mga shows ang Kai & the Boxer at Sex Bomb kaya dun na nagsimula ang kanilang love affair. Dahil sa sobrang busy ang sked nina Cris at Yvette ay araw-araw naman silang nagti-text. Pero minsan daw ay nanonood din si Yvette sa show nila.
Si Daniel naman ang original member sa grupo. Siya ang punkista ng grupo at ang responsible sa mga kinakanta nila sa mga shows. Pinapangarap din Daniel na magkaroon sila ng major concert sa Araneta at sana raw ay matuloy na ang mga shows nila abroad.
At ang pinakabago sa grupo ay ang tinaguriang Whistling Diva na si Shanna (21 yrs. old) na ang forte ay mga kanta ni Toni Braxton. Winner siya ng SIAM noong month of February. Last Saturday ay nakasama pa rin siya sa five finalist ng SIAM. Hindi pa raw siya makahataw ng husto sa mga shows nila dahil every Saturday nga ay nakikipag-compete ito sa nasabing singing contest. Pero narinig ko na siyang bumibirit ng mga matataas na kanta sa gig nila, sabay bulong ni Kai na practice lang yun. Wala naman daw magiging problema kung sakaling tanghaling champion si Shanna sa SIAM kahit regular member na siya ng Kai & the Boxer.
Bread winner ngayon si Shanna sa kanilang pamilya na dati ay nakatira sa barong-barong sa Tondo. Pero ngayon ay nangungupahan na sila sa mas magandang bahay. Pinahinto na rin nito ang tatay niya sa pagko-construction worker. Pinag-aaral na rin niya ang dalawa niyang kapatid na lalaki na ang isa ay nursing.
Hindi ko alam kung paano siya agad nakakasabay sa mga kalokohan ni Kai sa mga performance nila sa show.
"Dati nahihiya ako. Pero ngayon ay unti-unti na rin akong nasasanay, kasi tinuturuan nila ako. Natutunan ko rin na trabaho lang ang ginagawa namin walang personalan," paliwanag ni Shanna na malaki ring factor sa grupo dahil sa magaling itong performer.
Hanggang ngayon ay humahataw pa rin ang CD lite ng Kai & the Boxers na naglalaman ng tatlong kanta na "Sasakyan Kita," "Hi Naku," at Mr. Pogi," na lahat ay kinompos ni Lito Camo under Viva Records at malapit nang maging gold record.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended