Gary V. dumidiskober na rin ng singer
July 20, 2004 | 12:00am
Marami ang nagtatanong kung bakit daw mukhang naunahan pa ng Star In A Million winners na sina Sheryn Regis at Christian Bautista ang career ng champion ng nasabing singing contest na si Erik Santos.
Ilan kasi sa singles ni Sheryn ay madalas na marinig sa radyo tulad ng "Come Out of the Rain," "Kailan Kaya," "Ocean Deep." Samantalang bukod sa nakikipagsabayan din ang kanta ni Christian sa radio. Hindi makakaila na malakas ang appeal nito sa mga kababaihan. Iniintriga pa sila na mauunahan pa ni Christian si Erik na magkaroon ng solo concert.
Noong banggitin ito kay Erik wala kang mabasang inggit sa mukha nito, sa halip ay natuwa pa siya sa mga tagumpay na tinatamasa ng mga kasama niya. Wala naman daw sa kanyang bokabularyo ang mainggit. Sobrang close daw siya kina Sheryn at Christian kaya masaya ito sa kanyang mga kaibigan. Dahil noong panahon pa nila sa SIAM ay parang magkakapatid na talaga ang turingan nila.
Pero kung mga bagong achievement sa buhay at career ang pag-uusapan sa young balladeer na si Erik ay hindi ito pahuhuli. Katulad na lang ng kanyang first solo album na nakakuha na rin ng gold record award. Nakapaloob sa album ni Erik ang mga winning piece nito na "This Is The Moment" at "I Believe I Can Fly." Samantalang ang "Star In A Million" album ni Erik kasama ang mga contestants ng SIAM ay umabot na sa platinum record.
Masayang-masaya rin ito sa tagumpay ng katatapos nilang concert na Night of the Champions nina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go, dahil bukod sa mayroon silang repeat performance Aug 13 ay dadalhin pa ang concert na ito sa States. Hindi rin magkandaugaga si Erik sa mga shows nito para sa promotion ng kanyang album. Excited din ito sa isang concert sa abroad kasama si Aiai delas Alas na gagawin sa Guam. Pagbalik ng bansa ay marami pa ring trabaho ang nag-aabang sa kanya.
Bastat pumasa sa panlasa ni Gary V ang isang baguhang singer sigurado na ang kalidad nito. Ito ang impression ko sa baguhan nilang talent sa Genesis na si Mickey Deles.
Kahit si Mickey ay hindi maintindahan kung ano ang feelings niya nung time na pinakikinggan siya ni Gary V nung mag-audition ito. Nung una kasi, si Ms. Angeli Pangilinan lang ang nakikinig sa kanya. Pero sobrang na-impress sa kanya si Angeli kung kaya tinawag nito si Gary sa labas ng office nila para mapakinggan ang galing ng boses ni Mickey.
"Sobrang nakakatakot talaga yung audition ko kasi Gary V was also there," balik-alaala ni Mickey.
Kung tutuusin hindi na kailangan ni Mickey ang magtrabaho. Pero dahil sa passion talaga nito ang singing ay hindi niya maiwasan ang urge to go on singing. Fulltime third year student si Mickey sa De La Salle University major in Literature. Nag-aral din siya ng theater sa London. Habang naghihintay ng projects patuloy siyang kumukuha ng voice and drama lesson na hilig na niya kahit noong bata pa siya.
"For me, the arts is simply what I love to do. Its part of who I am," pagdidiin ni Mickey na bagong discover ni Gary V.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended