^

PSN Showbiz

South Border,di apektado sa malimit na pag-alis ng mga soloista

PARINIG NGA - Lanie M. Sapitanan -
Marami nang sikat na banda na pagkatapos iwanan ng kanilang lead singer ay naglalaho na rin kasabay ng kanilang bokalista. Malaki ang pasasalamat ni Jay Durias musical director ng South Border dahil pagkatapos nga namang dalawang beses iwanan sila ng soloista nila ay magawa pa rin nilang makabalik sa limelight.

Hindi naman nawala sa sirkulasyon ang South Border kahit naman iniwanan sila ni Brix Ferraris at Luke Mejares dahil nandyan naman si Jay na kumakanta rin ng solo sa banda. Pero higit pang sumigla at nabuhayan ng loob ang grupo nang pumasok sa eksena sina Vince Alaras at Duncan Ramos bilang soloista ng banda.

Kaya naman sa bagong album ng banda ay pinamagatan nila itong "South Border: Episode III" Ang carrier single ng album ay ang sikat na awitin ngayon na "Rainbow" na sinulat ni Sharon Inductibo manager ng South Border na base sa istorya rin ng banda.

"Naisip ko lang kasi na gumawa ng song na kakaiba dun sa karaniwang music ng SB na love songs at sentimental. Nasa studio kami noon at sinabi ko kay Jay habang tumutugtog siya ng mga melodies para sa next album namin na bakit hindi tayo gumawa ng kanta na simple lang at feel good for a change? Yung tipong ang tema ay life is still beautiful kahit twice na tayong iniwan ng mga singers natin, nakulong ka (Jay), maraming dumating na intriga pero still nandito pa rin tayo at okey," mahabang kwento ni Sharon.

At mabilis din na nagawa ni Jay on the spot ang melody chorus na "Butterfly..." nang oras na yun, (nung month of November), sa kanilang studio. Agad-agad din naisip ni Sharon ang mga wordings na "Even if there is a pain now, Every thing would be all right For as long as the world still turns. There’ll be night and day!....." Ngayon ang kantang "Rainbow" ay nasa number 1 countdown na sa mga radio stations.

Ang album ay naglalaman ng 10 cuts at bukod sa "Rainbow" ay magaganda rin ang mga kantang "Brown Hand Smash" na sinulat ni Jay; "The Show"; "Playa," nina Jay, Vince at Duncan; "Wish You Where Here"; "Best That I Can," collaboration nina Janice de Belen, Sharon at Jay; "Better Man," nina Butch Victoriano (lead guitarist), Vincent at Duncan; "Too Crazy," ni Duncan; "Where Ever You Are," sinulat pa rin ni Vincent; at "Usahay" isang Visayan song na tribute ng banda sa kanilang kababayan since na tubong Davao ang grupo. Ang album ay pasasalamat din ng grupo sa kanilang mga fans na walang sawang sumuporta lalo na nung dumaraan sa pagsubok ang grupo.

At kahit parang kailan lang na nag-audition sina Vince at Duncan heto’t halos magda-dalawang taon na silang kapamilya ng South Border. Ngayon ay pareho na silang nakabili nang sarili nilang kotse. Si Duncan ay may CRV samatalang Mercedez Benz naman kay Vince. Next year ay target nilang makakuha ng house and lot.

vuukle comment

BEST THAT I CAN

BETTER MAN

BRIX FERRARIS

BROWN HAND SMASH

BUTCH VICTORIANO

DUNCAN

JAY

SOUTH BORDER

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with