Isangmagandang inspiration ang reject ng American Idol'
May 18, 2004 | 12:00am
Star pa rin na maituturing ang feeling ni William Hung sa sarili matapos itong ma-reject sa audition palang ng hottest talent search show na American Idol sa US. Dahil sa kakaibang guts ni William ay kinuha pa rin siyang recording artists ng Koch Records at ang album niya ay ipinamamahagi ng Universal Records. Upang maging channel of inspiration sa ibang tao. Ngayon mas nauna pa siyang sumikat sa tatanghaling American idol ng show. Kaya kahit saan magpunta ngayon si William Hung ay dinudumog siya ng tao. Pinipilahan siya para magpa-autograph at magpa-picture sa kanya. At hindi siya magkandaugaga sa mga libu-libong emails na natatanggap niya around the world.
Isang engineering student si William sa Hongkong kung saan din siya ipinanganak. Sa first week palang ng release ng kanyang "William Hung Inspiration" album ay nakabenta na agad ito ng 200,000 copies.
"I may not be the best singer in the world but I sing from the heart. And I sing with passion. I enjoy what I do not for the money or fame. I Just enjoy singing," sabi ni William bago niya kinanta ang "I Believe I Can Fly" sa kanyang album. Ang ibang kanta na personal na pinilit ni William ay "She Bangs," "Bailamos," "Hotel California," "Can You Feel The Love Tonight," "Rocket Man," "Free," "Circle of Life," "YMCA" at "Shake Your Bon-Bon." Bawat kanta ay talagang pinaghirapan at ilang beses inulit na kantahin ni William para lalong mapaganda ang resulta.
May bagong ipinagmamalaking new artist ang Candid Records Phils. Ito ay walang iba kundi si Enrique Marcos. Nagsimula si Enrique kumakanta sa mga weddings.
Kinalakihan ni Enrique ang mga music nina Frank Sinatra, Nat King sa impluwensya ng kanyang lolo. Pero hilig din nito ang ballads, pop & R&B songs.
Si Fredric Herrera, singer/songwriter ang naka-discover kay Enrique. At dinala niya ito sa Candid Records.
Ngayon ay pumirma na ng kontrata si Enrique sa Candid Records Phils. at malapit nang i-release ang album nito. Mala-Engelbert Humperdick, Michael Buble at Josh Groban daw ang boses ng bagong singer.
Isang engineering student si William sa Hongkong kung saan din siya ipinanganak. Sa first week palang ng release ng kanyang "William Hung Inspiration" album ay nakabenta na agad ito ng 200,000 copies.
"I may not be the best singer in the world but I sing from the heart. And I sing with passion. I enjoy what I do not for the money or fame. I Just enjoy singing," sabi ni William bago niya kinanta ang "I Believe I Can Fly" sa kanyang album. Ang ibang kanta na personal na pinilit ni William ay "She Bangs," "Bailamos," "Hotel California," "Can You Feel The Love Tonight," "Rocket Man," "Free," "Circle of Life," "YMCA" at "Shake Your Bon-Bon." Bawat kanta ay talagang pinaghirapan at ilang beses inulit na kantahin ni William para lalong mapaganda ang resulta.
Kinalakihan ni Enrique ang mga music nina Frank Sinatra, Nat King sa impluwensya ng kanyang lolo. Pero hilig din nito ang ballads, pop & R&B songs.
Si Fredric Herrera, singer/songwriter ang naka-discover kay Enrique. At dinala niya ito sa Candid Records.
Ngayon ay pumirma na ng kontrata si Enrique sa Candid Records Phils. at malapit nang i-release ang album nito. Mala-Engelbert Humperdick, Michael Buble at Josh Groban daw ang boses ng bagong singer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended