Mga Fil-Am ang grupong Devotion
November 11, 2003 | 12:00am
Nine months palang ang inilalagi sa bansa ng grupong Devotion na binubuo ng five young Filipino-Americans mula sa Orange Country, California pero malakas na ang hatak nito sa mga Pinoy na nagbigay pangamba sa ibang boy group bands dahil sa husay nilang mag-perform.
Ang malamig na boses ng Devotion ang ka-duet ni Sarah Geronimo sa theme song ng daily soap na Twin Hearts ng GMA-7. May new version din sila ng kanta ni Agot Isidro na "Everyday" at ka-duet nila rito si Musica Cristobal, isa sa finalists ng Star for A Night. Ni-revive rin nila ang "More Than Words" na pinasikat ng Extreme. Ang dalawang awitin na ito ay pumasok ngayon sa top 10 countdown sa mga radio stations.
Mula high school ay magkakaibigan na ang myembro ng Devotion na binubuo nina Richmond Andal, Eric Cruz, Rodney Hidalgo, Ian Pesign at John Paul Riturban. Palibhasay hilig nila pare-pareho ang music kaya nagsimula silang mag-jamming sa bahay ni Rodney na siyang nagbuo ng grupo. Tinawag nilang Devotion ang grupo dahil pawang mga bible believer sila na ang commitment ay i-share ang talent nila sa music. Anim na taon na silang kilalang kumakanta sa States. Last January ay nagpadala ng demo tape ang manager nila sa Viva Records na nakapasa sa panlasa ni Mr. Vincent del Rosario. Agad ay ni-record ang kanilang self titled album na may carrier single na "So Wonderful". Kahit mga tipong laking Tate, hindi pa rin maiaalis sa kanila ang mga kulturang Pinoy na itinuro ng kanilang mga magulang. Tulad ng paggalang sa mga matatanda at pagsasalita ng "po" at "opo". Pero higit silang hinahangaan dahil sa pagmamalaki nilang silay mga Pinoy.
Rodney Si Rodney ang nagkaroon ng vision sa grupo para mabuo ito. Siya rin ang pinaka-fluent sa kanila sa pagsasalita ng Tagalog at siyay 24 years. Ang mother niya ay dating nakatira sa Makati at tubong Pangasinan ang father niya. Thankful din si Rodney sa mommy niya dahil sa edad na siyam na taon ay isinali na siya sa kanilang church choir sa California. Dahil dito ay na-discover niya ang kanyang gift sa singing na siyang greatest passion nito.
John Paul Ang pangalan niyang JP ay hango kay John Paul II. Twenty four years old. Ang mother niya ay tubong Dagupan at ama nito ay mula sa Pangasinan. Hindi sila tinuruang magsalita ng Tagalog. Natuto lang siyang magsalita nito sa ate niya na laging nakikinig sa parents nila kapag nag-uusap ang mga ito. Writing music naman ang greatest passion nito. Hilig din niyang sumulat ng tula at siya raw yung tipong hopeless romantic.
Eric Cruz Twenty four years old at ang tatay ay mula sa Tondo at choir conductor sa kanilang church sa California. Marunong din siyang mag-compose ng kanta. At sa edad na apat na taon ay hilig nang kumanta ng ala-Michael Jackson at ang back up dancer niya ang mga kapatid na babae nito.
Ian Twenty six years old at ipinanganak sa London pero lumaki siya sa California. First time rin niyang nakapunta dito sa bansa ng kanyang mga magulang na ang ama ay tubong Pangasinan at mula sa Makati naman ang mother nito. Sanay na rin siyang mahiwalay sa kanyang parents. Dahil sa edad na 21 yrs. old ay nagtrabaho na agad siya bilang business administrator ng kanilang Board & Care Homes para sa mga mentally ill at retarded.
Richmond Pinaka-joker sa grupo. At base ng grupo. Pangarap niyang makatapos ng Fine Arts balang araw.
Ang Devotion album na release ng Viva Records ay naglalaman ng 14 songs at 12 na awitin dito ay mga original na sila mismo ang nag-compose.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 26, 2025 - 12:00am
January 25, 2025 - 12:00am
January 24, 2025 - 12:00am