^

Punto Mo

Kailangan bang bayaran ng separation pay ang kasambahay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bigla na lang pong nag-resign ang kasambahay dahil may nakuha raw siyang trabaho sa ibang bansa. Gusto ko lang po sanang malaman kung kailangan ko ba siyang bayaran ng separation pay sa tagal ng pamamasukan niya sa amin, na halos ten years na rin.  —Lea

Dear Lea,

Makikita sa Republic Act 10361 ang mga karapatan ng mga kasambahay, katulad ng garantisadong 13th month pay at pagkakaroon ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG coverage. Pero walang nakasaad sa nasabing batas ang karapatan ng mga kasambahay sa pagkakaroon ng separation pay.

Sa ilalim ng Batas Kasambahay, walang nabanggit na separation pay na may katulad ng depinisyon sa Labor Code, kung saan nakasaad na katumbas ito ng kalahati hanggang isang buwan na suweldo para sa bawat isang taong serbisyo ng empleyado.

Sa halip na separation pay, makatatanggap lamang ang kasambahay ng dagdag na bayad na katumbas ng 15 araw na kita kung siya ay sinisante ng walang dahilan at ng mas maaga kaysa sa nakasaad sa kontratang kanyang pinirmahan, kung mayroon man.

Kahit ang dagdag na bayad na ito ay hindi angkop sa sitwasyon mo dahil hindi mo naman sinisante ng iyong kasambahay.

Kahit pa Labor Code lang ang pagbabatayan, wala pa ring karapatan na makatatanggap ang iyong kasambahay ng separation pay, na hindi ibinibigay sa mga empleyadong kusang nagre-resign o boluntaryong umaalis sa trabaho.

KASAMBAHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with