^

Krema

Parekoy (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAREKOY may tumatawag yata sa labas,” sabi ni Lino.

‘‘Baka nagtitinda lamang ng kung ano Parekoy. Dito sa amin kung anu-ano na ang tinitinda ng mga tao.’’

“May tinatawag na pa­ngalan, Parekoy.’’

“Teka nga at titingnan ko. Pang-abala naman e ang sarap ng kuwentuhan natin.’’

“Sige na Parekoy tingnan mo na at baka grasya yan.’’

Tumayo si Ping at tinungo ang gate. Hindi nila makita kung sino ang tumatawag dahil nasa likod sila ng bahay.

Habang hinihintay ni Lino si Ping ay nag-shot pa siya. Tinatalaban na siya dahil nakakailang shot na. Masarap makipag-inuman kay Ping dahil makuwento at mapagpatawa ito. Maski noong nasa Riyadh pa sila ay makuwento na ito. Hindi nauubusan ng ibinibida. Kaya nga nang mag-finished contract ito, bigla siyang nanibago. Wala nang magkukuwento at wala nang magpapatawa.

Nakita niyang papalapit na si Ping at may kasamang babae na mga 20-anyos siguro. Maganda, makinis at mukha namang mabait.

“Parekoy, si Sarah. Sarah, si Lino, kaibigan ko.’’

‘‘Hi Sarah!’’

‘‘Hi po.’’

‘‘Huwag mo nang pupuin at hindi pa naman lolo yan. Binata pa nga ‘yan.’’

Ngumiti lamang si Sarah.

‘‘Maupo ka Sarah,’’ Anyaya ni Lino.

Naupo si Sarah.

‘‘Hinahanap ni Sarah ang bunso kong kapatid na babae pero kasama ni Inay. Puwede mo siyang hintayin, Sarah?’’

‘‘Hindi na po, Kuya Ping. Pakisabi na lang po na nagpunta ako rito.’’

‘‘A sige. Mag-ingat ka sa paglalakad at baka makagat ka ng aso. Galit ang aso sa magaganda.’’

‘‘Ay si Kuya nagpapatawa e hindi naman panot.’’

‘‘Totoo naman di ba Parekoy. Ang mga aso ay galit sa magaganda. E ikaw ba, sarah ay may siyota na?’’

“Ay wala pa Kuya!’’

‘‘Owww? Totoo? Yang ganda mong yan, walang siyota?’’

“Wala nga Kuya.’’

“Aba ay baka puwedeng makapanligaw itong si Parekoy. Binatang-binata at maraming dolyar.’’

Napahagikgik si Sarah.

“Aalis na nga ako Kuya, lasing ka na yata! Baka mamaya tanggapin ko pa ang panliligaw niyang kaibigan mo, he-he!’’

(Itutuloy)

PAREKOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with