Krema (138)
“DI ba naghalikan kayo ng Dang na iyon? Nakita ko kayo. Nakasilip ako diyan sa may dingding. Nakatapak pa ako ng tuyong dahon kaya nakagawa ako ng ingay pero patuloy pa rin kayo,” sabi pa ni Krema habang ibinababa sa mesa ang nilutong pagkain.
Nakaupo na si Lex at naghahanda na sa pagkain.
“Tinawag kasi akong bakla ng Dang na iyon. Paulit-ulit akong tinawag na bakla kaya pinupog ko na ng halik. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako bakla.’’
“Pero sarap na sarap ka sa pakikipaghalikan sa babaing iyon. Halos ipangudnguran mo ang nguso mo.’’
“Kasi nga’y gusto kong turuan ng leksiyon. Akala kasi niya ay basta-basta ako mananahimik lang.’’
“Kung talagang wala kang pagnanasa e hindi mo gagawin iyon. Pero sa nakita ko mukhang tinamaan ka.’’
“Hindi ah. Sino naman ang magkakagusto sa babaing iyon e mukhang marami nang pinagdaanan.’’
“Hindi lang dito sa bahay ko kayo nakitang naghalikan. Maski dun sa kubo sa bukid, nahuli ko kayo. Di ba naghalikan din kayo roon?’’
“Teka, yun ba ay noong tinamaan ng bunga ng santol si Dang sa likod.’’
“Yun nga!’’
“E siya naman ang nagpupumilit na halikan ako. Pati nga ang boobsie e gustong ipahipo pero tumanggi ako. Hindi ko type ang ganung babae.’’
“Pero nailapit na ang bibig sa bibig mo. Tutukain ka na di ba?’’
“Umiiwas nga ako.’’
“Parang naghihintay kang sakmalin ang labi mo.’’
“Hindi. Nagpasalamat nga ako at may bumagsak na santol sa likod niya. Kung walang bumagsak na santol, baka nasakmal nga ako.’’
Nagtawa si Krema.
“Ba’t ka nagtawa?’’
“Wala!”
“Teka, duda ako sa bumagsak na santol. Paano kaya bumagsak ang santol kay Dang e ang layo ng puno sa kubo?’’
Nagtawa si Krema.
Nakahalata si Lex.
“Ikaw ang naghagis ng santol ano?’’
Nagtawa nang nagtawa si Krema.
“Ikaw ba, Krema?’’
Tumango si Krema at saka nagtawang muli.
(Itutuloy)
- Latest