^

Krema

Krema (128)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Inalalayan ni Krema  si Lex para maihiga sa papag. Hirap na hirap si Lex sapagkat bugbog sarado ang katawan niya. Nararamdaman niya pamamaga ng nguso at mga mata niya. Mahapdi ang tagiliran niya dahil sa sipa ni Paulo. Humanda ka Paulo! Gagantihan kita!

“Masakit na masakit ba ang pisngi mo, Lex?’’

“Oo. Pinagtulungan ako ng mga tauhan ni Paulo.’’

“Nakita ko ang lahat. Hindi lang ako makasugod kanina dahil may hawak na baril ang isa. Siyempre, mananalo ba ang arnis sa baril. Kailangang maghintay ng tanang pagkakataon.’’

“Gaganti ako sa kanila, Krema!’’

“Oo alam ko. Pero gagamutin ko muna ang mga pasa at sugat mo bago ka humarap sa kanila.’’

“Masyadong pahirap ang ginawa nila sa akin.’’

“Gusto mo tumawag na ako ng pulis? Mayroon akong number ng mga pulis sa ba-yan.’’

“Sige pero gusto ko, bugbog sarado muna sila bago natin ibigay sa mga pulis. Gusto ko igagapos muna sila lahat.’’

“Kung yun ang gusto mo e di gawin natin. Teka at gagamutin ko ang mga pasa mo. Kukuha ako ng gamot.’’

Tumalikod si Krema para kunin ang mga kailangan.

Nang bumalik ay dala na ang mga gamot at bulak.

Pinahiran ng bulak na may gamot ang magang pisngi ni Lex.

“Aray!’’

“Tiisin mo. Mahapdi talaga ito. Para hindi maimpeksiyon ang pisngi mo.”

Sunod na nilagyan ang tagiliran na nabugbog sa sipa.

“Masakit ba Lex?’’

“Arayyy!’’

“Parang ube ang tagiliran mo. Sa pakiramdam mo, bali?’’

“Hindi naman siguro. Bugbog lang talaga.’’

Ipinagpatuloy ni Krema ang paglalagay ng gamot sa tagiliran ni Lex. Naaawa si Krema kay Lex dahil napapapikit sa tuwing lalagyan ng gamot.

“Saan ka ba namalagi, Krema?’’

“Dito lang sa secret na lungga. Narito lang ako.’’

“Bakit mo ginawa ‘yun?’’

Hindi sumagot si Krema. Ipinagpatuloy ang paglalagay ng gamot sa sugat.

(Itutuloy)

KREMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with