^

Punto Mo

Pusa sa Minnesota na mahaba ang buntot, nakatanggap ng Guinness World Record

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa sa ­Minnesota, U.S.A. ang opisyal na hinirang bilang Guinness World Record holder dahil sa mahaba nitong buntot na may sukat na 18.5 inches!

Ang pusa na pina­ngalanang si Pugsley ay pagmamay-ari ni Amanda Cameron at kanyang pamilya.

Ayon kay Cameron, matagal na nilang napapansin ang kakaibang haba ng buntot ni Pugsley.

Maging ang ­beterinaryo ay nagtaka sa kakaibang haba ng buntot ni Pugsley.

Naisipan nina Cameron na mag-research sa Guinness World Records. Nagulat sila sapagkat mas mahaba ang buntot ni Pugsley sa kasalukuyang record holder.

Bukod sa pagiging Guinness title holder, si Pugsley ay kilala rin bilang ­palakaibigan at chill na pusa.

Dahil sa pagiging ­maamo, madalas na pinagkakaguluhan si Pugsley at tinatawag pang “local ­celebrity” sa kanilang lugar.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->