‘Walis’ (Part 2)
ANG akala ko, magiging maayos ang aking kalagayan makaraang kupkupin ni Tiya Clem. Inaasahan ko na maganda ang trato niya sa akin dahil kapatid siya ni Inay. Dahil ulila akong lubos, mauunawaan niya ang aking kalagayan at ipalalasap ang pagmamahal bilang ikalawang magulang.
Subalit nagkamali ako. Nagdusa ako sa pagtira sa bahay ni Tiya Clems sa Maynila. Hindi ko inaasahan ang mga ipinalasap niyang pang-aapi at pananakit sa akin.
Bagamat pinag-aral niya ako sa isang public high school na nasa España Blvd. sa Sampaloc, Maynila, ang katumbas naman niyon ay ang pagiging alila ko—halos wala akong pahinga sa paglilinis ng bahay, paglalaba, pamamalantsa, pagluluto at pamamalengke. Halos lahat, utos sa akin.
Pagkatapos kong magawa ang mga iyon ay bagsak ang katawan ko sa pagod. At ang matindi pa, kapag napansin na marami akong nakain sa almusal o tanghalian kaya ay kung anu-ano ang naririnig kong salita gaya ng: “Ang takaw!” o kaya’y “Magtira ka naman!” at kung anu-ano pa.
Siyempre hindi maiwasang maparami ang kain ko dahil masyado akong napagod.
Ang pinakamasakit at hindi ko matanggap ay nang saktan ako ni Tiya Clems. Hinampas niya ako ng walis tingting! Maraming beses! (Itutuloy)
- Latest